Box-Office Entertainment Awards kanselado na rin
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 12, 2020 - 12:00am

Nagpasya na rin ang pamunuan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. (GMMSFI) at ang Airtime Marketing, Inc. ni Ms. Tessie Celestino-Howard, na siyang producer ng 51st Box Office Entertainment Awards, na ipagpaliban muna ang awards night na dapat ay magaganap sa Linggo, Marso 15, sa Newport Theater ng Resorts World Manila.

Kahit nag-confirm na ang mga artistang recipients ng more than 50 awards, minabuti na nilang unahin ang safety ng mga dadalong artista at celebrities, hosts, performers, production staff at ang mga fans na manonood ng presentation sa gabing iyon.

Ang mga tatanggap ng awards ay pangungunahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, bilang mga Phenomenal Stars of Philippine Cinema for 2019, at sina Aga Muhlach at Xia Vigor as the Box Office King and Queen for 2019, ang winners sa iba’t ibang category, plus ang mga special awards.

Hintayin na lamang natin ang susunod na announcement kung kailan ito matutuloy.

Keep safe everyone! Doble ang kilig ...

Kinakikiligan ng avid viewers ng local adaptation ng Descendants of the Sun ang dalawang pair of lovers na sina Captain Lucas (Dingdong Dantes) at Dr. Maxine (Jennylyn Mercado) at sina Captain Moira (Jasmine Curtis Smith) at TSgt. Diego (Rocco Nacino). Kilig ang netizens sa eksenang na-traumatized si Maxine dahil sa encounter nila sa rebels at akala niya ay napatay si Lucas na siyang iniyakan niya.

Kilig din ang netizens na kahit nasa encounter sina Diego at Moira, hindi na sila naghihiwalay.

Ilan pang iconic scenes ang hinihintay ng netizens, isa rito ang earthquake scene. Paano kaya in-execute ni Direk Dominic Zapata ang eksenang iyon?

Alden may ka-date sa pinuntahang awards night

As per GMA Networks advisory, si Alden Richards ang unang nagpasimula ng taping na walang live audience sa musical competition for kids show na Centerstage na ginawa kahapon at ngayong Thursday. Ginawa ito ng GMA para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga concerned, laban sa COVID-19. 

Anyways naman, patuloy pa ring ibibigay ng GMA sa te-leviewers ang shows na sinusubaybayan nila mula umaga hanggang gabi. 

Bago nag-taping si Alden ng Centerstage nag-attend muna siya ng Obrang Filipino, at natuwa ang fans sa post niya sa kanyang Instagram account na “My date tonight?”

Ang sister niyang si Riza Faulkerson na siyang nagma-manage ng kanilang McDo Biñan store, ang ka-date niya sa Manila Hotel kung saan ginanap ang McDo Obrang Filipino awards night.

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with