_pang-masa
^

Pang Movies

Ice walang kupas

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Ice walang kupas

Ang galing-galing talagang kumanta ni Ice Seguerra, siya ang nag-provide ng mga theme song ng mga contestant sa Eat Bulaga segment na Bawal Judgmental. Take note, lahat ng theme song ay kabisado niyang kantahin, lahat ng lyrics ay tama at pati tono ay perfect talaga.

Grabeh ka Ice, wala pa ring kupas talagang very talented, mapa-acting or singing magaling!

Sa tinagal-tagal mo na sa showbiz para sa akin, ikaw pa rin ang Best Child Actress ng Star Awards.

Almost five years old ka pa lang noon at ang liit-liit mo pa. Kaya naman para maabot mo ang trophy, ang ginawa namin ni Edu Manzano ay kinarga ka namin, kuno ay parang nasa Podium ka pero nakatuntong ka lang sa maliit na kahon.

Those were the days na hindi ko malilimutan dahil ako ang presentor ng major awards. Ngayon ay napakalaki mo na. Basta love kita. Ganern!

Gong sa TNT hindi na nakakatuwa!

Napakataas pa rin ng rating ng show ni Vice Ganda sa ABS-CBN na It’s Showtime.

Ito ay sa kabila ng mga samu’t-saring issue na naglalabasan about sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. At siyempre with Yorme Bulilit na napakabibo at talaga namang nakakadagdag saya sa programa ni Vice.

Grabe ang kakulitan ni Yorme sa portion ng Little Miss U, talaga namang lahat ay napapahalakhak ng tawa dahil sa mga sagot ni Yorme sa mga tanong ni Vice. Sobrang kuwela talaga nilang dalawa. Katuwa rin ang mga kalahok sa Miss U, napakagaganda at cute na mga bata.

At sa portion naman ng Tawag ng Tanghalan ay maraming magagaling na singer ang sumasali, kaya lang nakaka-stress yung pag-gong nina Ryan Bang at Jhong Hilario.

Sana patapusin na lang ang kanta. Kahit hindi nila gusto, para naman ‘di masyadong masakit sa mga sumasali. Isipin na lang na napapanood sila ng mga kakilala, kapitbahay, kaibigan, katrabaho tapos yun nga pag na gong ang contestant, for sure pag-uwi nila sa lugar nila, tiyak katakut-takot na pambu-bully ang inaabot nila.

Natalo na nga, napahiya pa tapos nabu-bully pa pag-uwi sa lugar nila. Hayysst! 

Pasasalamat…

Thank you sa mga friend kong hindi nakakalimot.

Maraming Salamat kina Erlinda Rapadas, Isabel Rivas, Julie Bonifacio, Ethel Ramos, Ronald Constantino, Ricky Reyes, sa aking kapatid na si Norma Celi Coquia at sa gwapito kong pamangkin na si Meng Coquia.

Salamat sa lahat, God bless you all!

     

ICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with