^

Pang Movies

Kris pang-Miss U ang buwelta sa bintang na ‘family of thieves’ sila

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris pang-Miss U ang buwelta sa bintang na �family of thieves� sila

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isang basher na nagpakawala ng matinding statement sa kanilang pamilya at tinawag silang “family of thieves.”

Pinost ni Kris sa kanyang Instagram account ang screenshot ng komento ng basher na nagsasabing “talaga naman ginagamit ang pera ng Pilipinas para maunlad ang buhay. Family of thieves.”

Makikita rin sa screenshot ang sagot ni Kris sa basher. Aniya, “I cannot argue with your logic- pera ng PINOY na bumili ng mga inendorse ko at nanuod ng mga pelikulang na produce at pinagbidahan ko ang nagpaunlad sa buhay namin... see hard work pays off & God rewards those in His flock who are 1. CHEERFUL GIVERS, and 2. KNOW HOW TO SAY THANK YOU... (wag mo burahin ang pang Miss Universe na sagot ko, okay?).”

Dinagdagan pa ni Kris ang sagot na ito sa kanyang caption sa screenshot.

“Obvious naman na hindi kami pamilya ng magnanakaw (generally pag galing sa nakaw, hindi pino-post on IG, especially an account w/ more than 4.6 million followers, but do take note i wrote, GENERALLY - plus i do have years & years of BIR receipts to back me up #facts)

“BUT i decided to give this #anonymous account some attention because— gusto ko... and aminin, WINNER ang sagot.

“So yes- ginamit ko naman talaga ang pera ng mga PILIPINO- mga Pinoy who helped make my childhood dreams come true... kung mag enume­rate naman ako ng lahat ng natulungan ko through the years, EPAL naman ako ang next na paratang— so it is more than enough the beneficiaries know and my Creator knows that i shared the blessings I received to help better the lives of others,” ang caption ni Kris.

Well, true naman na hindi magnanakaw si Kris, in fairness dahil pinaghihirapan niya ang lahat ng kinikita niya, kaya naman kering-keri niya itong sagutin nang bonggang-bongga.

Heaven malakas ang kutob

Isa rin sa paboritong i-guest ng Ipaglaban Mo team ay si Heaven Peralejo. Siya ang mapapanood sa latest episode na pinamagatang Kutob at pang-limang guesting na raw niya yata ito sa nasabing weekly legal drama anthology.

Kutob ang titulo dahil sa kuwento ay ang karakter ni Heaven ang nakatuklas ng bangkay ng kanyang lolo at lola na pinatay ng ampon ng mga ito.

In real life ay naranasan na rin daw ni Heaven ang magkaroon ng malakas na kutob na naging dahilan kung bakit siya nag-voluntary exit noon sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Kuwento niya sa Kapamilya Confession online, basta isang araw daw ay masama ang gising niya at naramdaman niyang parang may hindi magandang nangyayari sa kanyang ina.

Kaya tinanong daw niya si Big Brother ng PBB kahit bawal ito. Sinabihan naman daw siya ni Kuya na itatanong din nito at sasabihin agad sa kanya kung may hindi magandang balita.

Bandang gabi ay nag-update raw sa kanya si Kuya at sinabing nasa operating room ang kanyang mommy at kasalukuyang inooperahan.

“Sabi ko, ‘ha? Tama ‘yung kutob ko,’ ganu’n,” sey ni Heaven.

Kaya ang ginawa niya ay nagdesisyon siya agad na mag-voluntary exit para maalagaan ang kanyang ina.

Matatandaang na-diagnose ng cancer of the throat that time ang kanyang ina and thankfully, after the operation ay umayos na ang kondisyon nito at sa ngayon ay cancer-free na ayon na rin kay Heaven sa kanyang mga past interviews.

Kaya naman sobrang nagpapasalamat ang young actress sa Diyos dahil bukod sa pinagaling na ang kanyang ina ay binibigyan pa siya ngayon ng magandang showbiz career.

Samantala, ang Kutob episode ng IM ay mapapanood ngayong Sabado, Feb. 29 pagkatapos ng It’s Showtime.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with