^

Pang Movies

Sarah inaasahang magpapakumbaba sa mga magulang!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kapag maayos na ang lahat ay saka lamang siguro magaganap ang grand church wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Hihintayin pa marahil ng newly-wed couple na matanggap ng parents ni Sarah ang sitwasyon na may asawa na ang kanilang anak.

Kung naging sikreto ang Christian wedding nila, gusto naman ng mag-asawa na sa kanilang big wedding ay kumpleto ang kanilang respective families at malalapit na kaibigan.

Wala pa umanong honeymoon na magaganap dahil pareho pa silang busy sa kanilang respective work pero kitang-kita sa bagong mag-asawa kung gaano sila kasaya ngayon sa kabila ng ginawang pagwawala ng mommy ni Sarah na si Divine sa kanilang intimate wedding reception nung gabi ng February 20, araw ng Huwebes.

Suot-suot na rin nina Sarah at Matteo ang kanilang respective wedding rings.

Sa mata ng publiko at ng netizens, si Mommy Divine ang `tinik sa dibdib’ sa mag-asawang Sarah at Matteo.

Pero tiyak namang mababago ang masamang perception ng mga tao kay Mommy Divine kung matututo nitong tanggapin ang katotohanan na nasa edad at may asawa na si Sarah at maging masaya at supportive na lang siya sa kanyang anak na nagbigay sa kanyang pamilya ng magandang buhay.

But knowing Sarah to be a good-natured person, ito pa rin ang magpapakumbaba at magri-reach out sa kanyang parents para maging maayos ang lahat sa kanilang pagitan.

Maine sinuportahan ni Kristine

Tuwang-tuwa ang phenomenal star na si Maine Mendoza sa ginawang pagdalo ng misis ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa sa launch ng second lip stick shade ng Mac Cosmetics ni Maine early this week.

Si Maine ay malapit sa mag-asawang Oyo at Kristine.

Speaking of Maine, magbi-birthday ito sa darating na March 3, araw ng Martes.  Kung hindi sila mag-a-out of town ng nobyo niyang si Arjo Atayde on her birthday, tiyak na magkakaroon ito ng birthday celebration sa Eat Bulaga at sa kanilang weekly sitcom ni Vic Sotto, ang Daddy’s Gurl.

Parehong mahilig mag-travel sina Maine at Arjo who celebrated their first anniversary bilang magkasintahan nung nakaraang Disyembre.

At the press launch ng Beautederm’s Spruce & Dash products for men, inamin ni Arjo na si Maine na umano ang `the one’ para sa kanya at paminsan-minsan ay sumasagi na rin umano sa kanilang usapan ang tungkol sa pagpapakasal. 

Si Maine ay magtu-25 na on March 3 habang si Arjo ay sa magti-30 naman on November 5.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with