^

Pang Movies

Lea gulantang sa kasalang Sarah at Matteo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lea gulantang sa kasalang Sarah at Matteo
Lea

Walang kamalay-malay…

Maging ang kapwa-coach ni Sarah Geronimo sa The Voice Teens na si Lea Salonga ay na-shock sa biglaang kasalang nangyari last Thursday just right after their taping.

Matatandaang bago nagpakasal sina Sarah at Matteo Guidicelli ay nag-taping pa ang una buong araw ng The Voice Teens at sey ni Lea, wala raw silang kaalam-alam that time na ikakasal na si Popstar.

“I am shocked. None of us knew. None of us on the show, none of ous from the network, but I’m happy, happy for her,” pahayag ni Lea sa panayam niya kay MJ Felipe ng ABS-CBN.

At the same time ay humanga si Lea sa ginawa nina Sarah at Matteo.

“To be able to pull it off, that’s a feat. That is a crowning achievement for both of them. Na talagang naisikreto nila, na they knew who to trust,” she said.

Bulalas pa ni Lea patungkol kay Matteo, “this guy really loves her (Sarah)!”

Pero ang malaking tanong ng lahat ngayon ay nasaan daw kaya sina Sarah and Matteo now. After the kasalan kasi ay biglang nakakabinging katahimikan naman mula sa dalawa and the only time na nagsalita ang aktor ay the following night kung saan ay itinanggi nga niyang sinuntok niya ang security ni Sarah.

After this ay wala pa tayong naririnig mula sa bagong kasal kaya naman inaabangan ng lahat ngayon ang next taping ng The Voice Teens.

Kris nakipagbati na kay Noynoy

Ibinalita ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na nagkaayos na sila ng kapatid na si former President Noynoy Aquino at ito ay dahil sa kasal ng pamangkin nila na si Nina na pareho pa nilang inaanak sa binyag.

Ayon sa kuwento ni Kris, siya ang nakababata kaya siya na ang unang lumapit sa kanyang kuya Noynoy at ninerbyos pa nga raw ang bunso niyang anak na si Bimby.

“Pareho naming inaanak si Nina sa binyag... ako ang nakababata, kaya nung “peace be with you” ako ang lumapit... ninerbyos ang aking bunso, si kuya sobrang na HAPPY. hindi pinilit, pero answered prayer para sa mga sisters namin. In God’s time, nabuo kaming muli... ito po ang totoong #pamilya,” ang caption ni Kris sa small clip ng wedding na ibinahagi niya.

Matatandaang inamin ni Kris noon pa na hindi sila in good terms ng kanyang kuya Noynoy. At nitong nakaraang kaarawan niya (Feb. 14) ay nabanggit na naman niya ito sa kanyang post.

Ayon kay Kris ay dalawang taon na raw silang walang komunikasyon ni Noynoy pero regular textmate naman daw ito ni Joshua.

“Maybe rather than scrutinizing on what separates us- let’s focus on the love we do share for Kuya Josh? Regardless on the nearly 2 years of NO communication- he & kuya remain constant textmates and my 2 sons see their Tito Noy regularly,” bahagi ng sagot ni Kris sa netizen sa kanyang recent post bago sila nagkabati ng kapatid.

Marami namang netizens ang natuwa na finally ay okay na silang magkapatid at sey nila, tama lang daw ang ginawa niya for reaching out first.

Ang dami ring pumuri sa aura ni Kris ngayon sa video. Mukha kasing very healthy siya, energetic pa rin and yes, flawless pa rin at parang hindi tumatanda.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with