Angel nag-agree sa inaming pagkakamali ng ABS-CBN
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

Partikular na in-address ni Angel Locsin ang hindi pagiging perpekto ng ABS-CBN sa statement na inilabas nu’ng Huwebes ni Carlo L. Katigbak, President at Chef Executive Officer ng ABS-CBN.

“Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN. Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang.”

Saad ni Angel sa kanyang Instagram, “For me, this is the highlight of his statement. Because like any other companies, mistakes happen.

“No company is perfect. I’ve experienced and heard stories about other companies as well – in and our of entertainment industry.

“If there’s something wrong with the system, then address it and fix it. Do not take away jobs from people.

“Please note that the people in this industry have very limited options.

“I trust that our Congress would be fair on this matter. Hopefully they would conduct the franchise hearing as soon as possible. Again, #JustLove.”

Dating Kapuso artist si Angel bago napunta sa Kapamilya network.

Matteo hindi nakapagpigil sa bodyguard ni Sarah

Nakakuha ng police report ang CNN Philippines mula sa Taguig tungkol sa gulo sa civil wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo last Thursday night.

Kinumpirma sa report na sinuntok ni Matteo ang close in security ni Sarah na nagngangalang Jerry Tamara. Naganap ang insidente sa isang luxury hotel sa Bonifacio Global City sa gitna ng wedding rites diumano ng couple.

Sa report, sinuntok ni Matteo si Tamara nang sabihin nitong dumating ang ina ni Sarah na si Mommy Divine, “unexpectedly.”

Si Tamara raw kasi ang nagsabi kay Mommy Divine tungkol sa kasal sa gabi. Gusto raw kausapin ni Mommy Divine ang anak.

Bukas ang pahinang ito sa side ni Matteo sa pangyayari.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with