Baron gusto nang kilalanin ang dalawang anak sa ibang babae

Baron

May anak na si Baron Geisler sa kanyang non-showbiz wife na si Jamie Evangelista (from Cebu), si Thalita Cumi na kamakailan lamang isinilang.

Hindi ikinakaila ng actor na meron umano siyang dalawang anak na parehong babae sa magkaibang babae bago niya nakilala ang wife niya ngayong si Jamie. Ang isa ay three years old na sa isang babae from Pampanga habang ang isa ay ayaw pa niyang i-reveal pero sa pagkakaalam namin ay anak niya ito sa isang female celebrity at teenager na ito.

Ayon sa actor, gusto na umano niyang itama ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang misis kaya nagsimula na umano siyang mag-reach out sa ina ng kanyang three year old daughter maging sa kanyang anak dito. Sa recent birthday ng bata ay dinalhan ito ng mga regalo ni Baron kasama ang kanyang wife.

Lumalapit na umano sa actor ang bata pero hindi pa siya tinatawag na papa o daddy ng kanyang anak.

Umaasa rin si Baron na magiging bukas ang ina ng isa pa niyang anak na ipakilala siya sa kanyang panganay at makilala rin siya bilang ama ng bata.

Si Baron ay may tinapos na pelikula sa bakuran ng Viva Films, ang Tililing  na ang direktor ay siya ring humawak ng hit movie na Jowable ni Kim Molina na si Daryl Yap. Kasama ni Baron sa nasabing pelikula sina Gina Pareño, Candy Pangilinan, Chad Kinis at iba pa at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan on March 4.

Speaking of Baron, nakita ito kamakailan lamang na kasama ang mga kaibigang sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Sen. Win hinihintay alukin ng kasal si Bianca

Hinihintay na ng followers ng binatang senador na si Sherwin ‘Win’ Gatchalian ang pagpu-propose nito sa dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo na mahigit isang taon na rin ang relasyon.

Hindi kaya itapat ni Sen. Win ang kanyang proposal kay Bianca on his 46th birthday sa darating na April 6?

Kung matatandaan pa, si Pauleen Luna ang unang showbiz girlfriend ni Sen. Win pero nagkahiwalay ang dalawa. Si Pauleen ay misis na ngayon ni Vic Sotto at meron na silang anak, ang almost two-year-old na si Tali.

Bago si Sen. Win ay naging boyfriend noon si Bianca ang actor na si John Prats maging ang Brazilian-Japanese model-actor at entrepreneur na si Favio Ide. Meron din siyang naka-relasyon pulitiko mula sa isang probinsiya.

Panganganak ng mga preggy celebrity, sunud-sunod na!

Matapos isilang ng 43-year-old singer-comedienne na si Ethel Booba ang kanyang first child na isang girl nung araw mismo ng mga puso, si Anne Curtis naman ang susunod na magsisilang sa kanilang magiging unang supling ng husband niyang si Erwan Heussaff.

Any day this month ay nakatakda ring magsilang ang wife ng singer-actor na si JC Santos na si Shyleena Herrera-Santos at baby girl din ang kanilang magiging unang baby.

Other expectant moms this year include Cristalle Belo Henares-Pitt at ang TV host na si Luane Dy ng Unang Hirit at Eat Bulaga.

Pakikiramay…

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagyao ng isang kaibigan at kasamahan sa panulat, ang veteran entertainment writer na si Ate Nene Riego.

Show comments