Alex pinaglaruan ang nanay at tatayalang-alang sa YT
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

Panalo ang prank na ginawa ni Alex Gonzaga sa kanyang magulang. Naka-upload sa kanyang YouTube account ang prank video kung saan ay sinabi niya sa parents na buntis siya ng two weeks na siyempre ang ama ay ang fiancée na si Mikee Morada.

Kumpleto sa ebidensiya si Alex, may pregnancy test siya na nagsasabing positive at may sonogram pa siya ng baby na in-edit daw niya at nilagyan niya ng kanyang pangalan para magmukhang kanya na ewan kung kanino niya nakuha.

Natawa talaga kami sa reaksyon ni Mommy Pinty nang ipakita sa kanya ni Alex ang pregnancy test at ang sonogram. Siyempre ay nagalit siya at para ngang binagsakan ng langit at lupa. Panay ang sabi niya sa anak ng “taran..o” at sey pa niya, “sinabi ko na ngang huwag n’yong gagawin ito, eh, hanggang hindi pa nakakasal.”

Pati ang uncle ni Alex na naroroon din ay naniwala at gulat na gulat din.

Sa galit ay nag-walk-out si Mommy Pinty at pumasok sa kwarto niya. Hinihila siya ni Alex pero inambahan niya ng suntok ang anak at galit siya talaga.

Tawa naman nang tawa si Alex na dapat ay nahalata na ito ni Mommy Pinty. Meron ba naman kasing nagtatapat na buntis na tawa nang tawa?

Nakakatawa rin ‘yung pagsigaw ni Mommy Pinty kay Alex ng “umalis ka!” na galit na galit.

Dito na sinabi ni Alex na “Ma, it’s a prank!” na tawa nang tawa. Makikita mo talagang natawa na si Mommy Pinty na parang nakahinga nang maluwag.

Hanggang sa huli ay si Alex na ang napaiyak at seryosong sinabi sa ina na hinding-hindi niya gagawin ‘yun at hindi niya idi-dissapoint ang magulang.

Natawa si Mommy Pinty at sey niya, “ba’t ka umiiyak?”

Tinawagan ni Alex si Mikee at muli ay pinaalalahanan ni Mommy Pinty ang dalawa na maghintay muna habang hindi pa nakakasal.

Kinabukasan ay ang daddy Bonoy naman ang prinank ni Alex. Same dialogue. Aniya, “dady mapapaaga ang kasal” sabay-pakita rin ng proofs.

Iba naman ang estilo ni Daddy Bonoy dahil pumasok na ito sa kuwarto at tumahimik na. Halata ring galit. Kinulit siya ni Alex hanggang sa napasigaw na ito.

“Bahala na kayo, ginawa mo na ‘yan, eh, nakapagdesisyon ka na ng sarili mo,” sabi ni Daddy Bonoy.

Sinabi ni Alex na papunta na raw si Mikee at pasigaw ng sabi ni Daddy Bonoy, “kayo na ng mommy mo mag-usap. Magplano na kayo, ginawa n’yo na ‘yan, eh ano pang gagawin natin?”

Dahil nakikita na ni Alex na galit na talaga ang daddy niya ay sinabi na niyang prank lang ito. Galit pa rin ang ama at sey niya, “tumigil ka!”

Hahaha!

Laugh trip, in fairness ang video na as we write ay may more than 2 million views na since its release last Feb.15.

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with