^

Pang Movies

Liza Diño nag-ninang sa 120 plus na LGBTQ+ couples sa QC

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Liza Diño nag-ninang sa 120 plus na LGBTQ+ couples sa QC

Inuna munang i-post sa Facebook ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra ang pictures ng pagiging “ninang” sa 120 plus na LGBTQ+ couples last Valentine’s Day bago ang selebrasyon nila ng okasyon ng “husband” niyang si Ice Seguerra.

Garden wedding ang ginanap sa Quezon City at si QC Mayor Joy Belmonte ang nag-officiate ayon sa post ni Liza sa Facebook page niya.

Bahagi pa ng post niya, “The event may be symbolic and not legally binding but this gesture of our local government is so heartwarming and encouraging.

“Makes me feel so proud as QC citizen.”

Si Ice ang nagsilbing wedding singer.

Noong Vday ay monthsary rin nila ni Ice. Limang taon na silang “kasal” at pitong taon silang magdyowa.

“Vday is about love. And you are LOVE personified. Thank you for being my strength. Thank you for being my weakness.

“Thank you for being my everything and in between. Thank you for being THE ONE,” madam­daming mensahe ni Liza kay Ice.

Kapamilya actress tatalon na sa GMA!

Malapit nang lumipat sa Kapuso Network ang isang Kapamilya actress. May inaayos lang na ibang detalye sa kontratang pipirmahan niya sa GMA-7 kaya malamang na next week ay pumirma na siya ng contract.

Homegrown talent ng Channel 2 ang young actress. Nadiskubre siya sa isang talent reality search at nakagawa na rin ng ilang movies.

Seksi siya at matalino, huh! May kinalaman kaya sa problema ng franchise renewal ng da­ting network ang pag-ober da bakod ng young actress?

LIZA DIñO-SEGUERRA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with