Nora maraming pinakakawalang raket dahil sa hika

Nora Aunor said na maliban sa asthma, wala naman na raw siyang ibang sakit, thank God. Yun nga lang daw, kapag inaatake siya ng kanyang hika, medyo nahihirapan siya. Which is why daw may mga tinatanggihan siyang projects na ino-offer sa kanya.

Nagpapasalamat naman si Guy sa GMA-7 dahil naiintindihan ang kanyang kondisyon.

Guy doesn’t hide her age. In May this year, she will turn 67.

Guy is now cast with Kapuso young actress Kyline Alcantara and Mylene Dizon sa bagong seryeng Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit na mapapanood na sa February 24.

Maganda raw ang kuwento ng Bilangin… ayon kay Guy, at magagaling daw ang kanyang mga katrabaho.

And if plan daw do not miscarry, baka mapasama sa upcoming Summer Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang Isa Pang Bahaghari, co-starring her with Philip Salvador at Michael de Mesa, mula sa direksyon ni Direk Joel Lamangan.

Ang another upcoming movie naman daw niya ay ang Ninang Corazon.

Carmi hindi na nakapag-asawa, sinusuportahan na lang ang mga kapatid at pamangkin

Pretty and sexy, especially, of course, in her younger years, Carmi Martin, in a recent interview, admits na nagkaroon din siya ng kung ilang boyfriends. Kabilang na rito ang isang pinagsususpetsahan niyang gay.

She never confronted the guy, though.

Now 56 years old, Carmi is still single, and don’t ask her why.

Basta happy daw siya sa kanyang current status. With her earnings as one of the most in demand actresses still, nakakatulong daw siya sa ilan niyang kapatid. Lalo na sa pag-aaral ng ilan niyang mga pamangkin sa mga ito.

Carmi is a mainstay ng programang Home Sweetie Home: Extra Sweet, co-starring her with Alex and Toni Gonzaga, Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Rio Locsin, Charles Delgado at Miles Ocampo.

Few obviously remember though, that Carmi was a member of Dolphy’s Angels.

Carmi together with Yehlen Catral, Liz Alindogan and Annamarie Gutierrez, appeared bilang leading lady ni Dolphy sa pelikulang Dolphy’s Angels din ang title.

Sa paglipas ng panahon, ang Dolphy’s Angels ay nagkanya-kanya na rin sa kanilang showbiz career.

Nagkaroon ng ilang TV shows si Carmi, at isa na nga rito ang Carmi And Dick kung saan si Roderick Paulate ang kanyang kapareha.

Si Liz naman ay naging leading lady ni Fernando Poe, Jr. sa pelikulang Panday.

Now, 58 and married to businessman Benny Kho, with whom she has four children. Sa unang asawa naman niyang si Jess Lapid, dalawa ang kanyang anak.

Ina ni Gov. Daniel Fernando, pumanaw na.

Our condolences to now Bulacan Governor Daniel Fernando, whose beloved Mom, Luning­ning Ramirez, died last week.

Few obviously know that Daniel’s real name is Cesar Ramirez. It was noted director Peque Gallaga who gave him his screen name, Daniel Fernando, when he had him starred sa pelikulang Scorpio Nights.

For his performance sa nasabing pelikula, ­Daniel was highly acclaimed. He was at the height of his showbiz career, when he was enticed to run for Vice Governor of Bulacan noong 2010.

Gov. Daniel is 57 years old.

Show comments