Jo In-sung
Korean stars lalo nang mahirap abutin!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 14, 2020 - 12:00am

Naku naisip ko Salve, kung noon ay overac­ting na ang higpit sa pagbabantay sa mga Korean actor and KPop ‘di lalo na ngayon na Oscars winners na sila?

Ngayon din lalong na-validate ang Korean invasion sa showbiz. Lalo pang tumaas ang premium nila, para silang on top of the world.

Kaya lalo pang naging slim ang chance ko na maka-chica si Jo In-sung. Huhuhu.

Isa talaga sa hahangaan mo sa kanila ay ang pagbabantay nila sa mga celebrity nila. Talagang kasali sa kahit anong kontrata nila na kasama ang buong team ng security nila ang kukunin mong artista. Kaya nga touching iyon ginawa ni Sandara Park sa atin nang pumunta tayo sa Korea na nag-treat pa siya sa dinner sa gitna ng busy schedule niya dahil makikita mo talaga iyong effort niya na i-entertain si Aileen Go ng MegaSoft at si lola Budingding niya. Muntik nga ako umiyak dahil kumanta pa siya ng happy birthday at nagbigay pa ng cake sa akin.

Kaya nga nadagdagan ang paghanga ko sa Koreans dahil kay Sandara Park na mahal na mahal ang mga Pilipino at Pilipinas.

Hay, inggit na inggit ang local showbiz sa inabot ng Korean sa filmdom industry. Bongga, talagang clap clap clap!

Aileen Go hands on sa negosyo

Bongga ang friend natin na si Aileen Go ng MegaSoft.

Blessing na ng MegaOne Building nila sa may España na napakadaling makita dahil dati itong PLDT bldg. Meron na silang malaking office na puwede na mag-standby si Rose Garcia para gumawa ng mga column niya dahil nasa gitna ng Manila at Quezon City na very accessible sa lahat ang MegaOne.

Talaga naman kasing halos wala nang pahinga si Aileen Go sa trabaho, hindi nga kaya ni Budingding ang schedules nito na kabila’t kanan talaga ang pinupuntahan at very personal ang approach sa trabaho.

Talagang nakita natin ang paglaki ng MegaSoft na mula pa nung umpisa ay personal nang inaasikaso ni Aileen.

At ang growth ng MegaSoft ay para rin si Aileen Go dahil mas gumanda pa siya ngayon kaysa noon na nag i-start pa lang ang Mega­Soft na si Maja Salvador ang unang endorser.

Noon, tulad ni Jinkee Pacquiao na very simple rin pero ngayon fashionista na, ganundin si Aileen Go, akala mo high schooler pero ngayon may fashion statement na.

Kasabay ng paglago ng Mega­Soft, ang pagganda ni Aileen Go, ‘di ba Buding­ding at Rose. Congrats sa bagong building my dear Aileen Go. Punta uli tayo sa Korea, hahaha, isama na natin si Vinia, para mas masaya.

JO IN-SUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with