Ivana lalong nahuhulog kay Coco

Ivana

Contract talent na ngayon ng ABS-CBN si Ivana Alawi, na una nating napanood sa seryeng Araw Gabi bilang nakakainis na katrabaho ng karakter ni Barbie Imperial, at hindi nagtagal ay naitampok din siya sa seryeng Sino Ang May Sala? Mea Culpa, kung saan sina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria ang mga bida. Kasama rin nila sina Tony Labrusca, Ketchup Eusebio at Kit Thompson.

Feature si Ivana ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan naman ni Coco Martin.

Ivana admires Coco more now, she said. Dahil napaka-professional daw nito bukod pa sa magaling makisama.

Kasabay nga palang pumirma ni Ivana ng contract sa Kapamilya Network sina Tony at Donny Pangilinan.

Love story nina Korina at Mar, hinihiritan na ulitin sa Rated K

For a post-Valentine offering sa kanyang programang Rated K, someone suggests that Korina Sanchez do a feature anew of hers and Senator Mar Roxas’ love story.

It is one for the books, someone close to both said, kaya magandang panoorin. Lalo na para sa millennials these days.

Theirs was the wedding of the year in 2009, held in Sto. Domingo Church.

As special attraction, puwede sigurong ipapanood sa atin ang kambal nila na sina Pepe at Pilar.

One year old na ang mga ito ngayon.

Donny may bagong loveteam na

Of Donny, he originally did not dream daw to join showbiz, kahit pa ang mommy at daddy niya ay sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

But while studying sa isang kilalang international school, he would sideline as a DJ in MYX.

And soon, naengganyo na rin siya to appear as extra sa ilang pelikula.

Donny is glad, his mom is very supportive sa kanyang mga desisyon to give himself a chance to go full-time sa showbiz.

Sobrang na-encourage daw siya sa magagandang feedback na kanyang nabasa sa review sa pelikula niyang James And Pat And Dave kasama sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

It’s obviously his luck, ani Donny, that he has Direk Theodore Boborol bilang director. Very encouraging daw ito.

For his next movie, Donny might have a ka-loveteam na rin, and this is former Goin’ Bulilit mainstay, Belle Mariano, who is 17.

Donny turned 22 last February 10.

Joshua inglesero na

Malaki raw ang naitulong ni Julia Barretto kay Joshua Garcia kung bakit magaling nang magsalita ng Ingles ngayon ang huli.

Inglesera nga naman kasi si Julia, kaya ‘pag tinatanong daw siya nito sa wikang Ingles, Ingles din daw siya kung sumagot.

Obvious ang pagiging mahusay sa English ni Julia, something in common nila ito ni Gerald Anderson na rumored boyfriend niya ngayon.

Prior to joining his mom dito sa Pilipinas, Ge­rald stayed with his American father in Maryland, USA.

Gerald actually was just in the Philippines for a vacation, but then, napasali nga siya sa Pinoy Big Brother, and the rest is history.

Show comments