JM
JM focus muna sa career
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

Si JM de Guzman ang gumaganap na Chico bilang eldest son nina Sylvia Sanchez at Joey Marquez sa seryeng Pamilya Ko. Bukod sa napakagaling niyang aktor, siya rin ay magaling umawit.

Bata pa lang daw siya ay hilig niya na ang pagkanta. Noong elementary days nga raw niya ay siya palagi ang pinapapunta sa harap para kantahin ang Pambansang awit natin na Lupang Hinirang. Nice ‘di ba? Sobra-sobra na sa pogi points.

Si JM ay ex ni Jessy Mendiola na girlfriend na ngayon ni Luis Manzano.

Sa pagbabalik-showbiz ni JM noong nakaraang taon matapos ma-rehab, ay na-link naman siya sa katambal na si Barbie Imperial sa seryeng Araw Gabi. Pero hindi rin sila nagkatuluyan dahil sa hindi malamang isyu.

Single na single ngayon si JM, pero focus muna sa kanyang career.

Salamat Boy…

Sa February 13, Thursday, ang buong grupo ng PMPC (Philippine Movie Press Club) ay nasa Child Haus sa paanyaya ni Mother Ricky Reyes.

Advance Happy Valentine’s Day celebration ‘yun para sa mga pasyenteng may cancer, especially sa mga may breast cancer, mga young victim of leukemia.

Nasa humigit kumulang na 100 pas­yente ang pasasayahin ng PMPC, sa pamumuno ni Sandy ES Mariano, PMPC President at members and officers.

Mamimigay sila ng gifts, pagkain at datung para sa kanilang medicines.

See you there mga tsuffatid.

God bless us all! And salamat po to my dearest Kuya Boy Abunda, you are my Angel, a million thanks! Natanggap ko po yung pinadala mong pang support for my medication thru Julie Bonifacio, my inaanak sa kasal.

Si Julie ay walang sawa sa pagtulong same with Linda Rapadas.

For the soul of Nanay Lising, may she rest in peace. God Bless.

Ingat din sa trabaho Kuya Boy, relax relax din pag may time! Kasama kayo lagi sa aking dasal.

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with