^
Juancho at Joyce ikakasal ngayon!

Juancho at Joyce ikakasal ngayon!

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 9, 2020 - 12:00am

Ngayong araw na ito ng linggo, February 9 ang kasal ng Kapuso talents na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na bahagi rin ng Unang Hirit family kung saan nabuo ang kanilang love story.

Last Friday, February 7, binigyan ang engaged couple ng sorpresang Despedida de Soltera y Soltero na nilahukan ng bumubuo ng programa sa pangunguna ni Arnold Clavio. Prior to this ay binigyan din ng magkahiwalay na bachelor’s at bachelorette party ang dalawa ng Madrasta family ni Juancho at ng mga closefriend ni Joyce.

Dapat sana’y sa Tagaytay ikakasal sina Juancho at Joyce pero nag-iba sila ng wedding venue and location dahil sa pagputok ng Bulkang Taal nung January 12, 2020.

Ang young couple ay parehong 26 years old.

Sina Juancho at Joyce ay pangalawang celebrity couple to get married this 2020. Nauna na sa kanila ang kanilang kapwa Kapuso talents na sina Megan Young at Mikael Daez na ikinasal last January 10, 2020 sa Caleruega Church in Batangas.

Kasal nina Sarah at Matteo isasabay sa 30th birthday ng aktor?!

Alam mo, Salve A., may suspetsa ako na itataon ng engaged couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang wedding sa ika-30th birthday ng groom-to-be on March 26 o kung hindi man sa isa pang date in March na itataon naman nila sa kanilang 7th anniversary bilang magka­sintahan.

Definitely, hindi ito mangyayari on March 14 dahil ito ang petsa ng renewal ng wedding vows ng parents ni Sarah G. na sina Delfin at Divine Geronimo.

Parehong ninong ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario sa renewal of vows nina Delfin at Divine gayundin sa kasal nina Sarah at Matteo pero hindi namin napaamin si Boss Vic kung saan ang venue at petsa ng kasal ng pop superstar at ng triathlete-singer-actor and entrepreneur.

Samantala, pinabulaanan ng aming source na hindi umano dadalo ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa kasal nila Matteo. Ayon sa aming source, hindi umano puwedeng hindi dumalo si Mommy Divine sa kasal ng anak dahil alam niya kung gaano kahalaga ito kay Sarah.

Kilala kasi si Mommy Divine sa pag-ayaw sa mga nakakarelasyon ni Sarah pero ipinakita ni Matteo kung gaano nito kamahal si Sarah at nagpakita ng respeto sa kanila ni Daddy Delfin at sa buong pamilya nila.

JOYCE PRING JUANCHO TRIVINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with