_pang-masa
^

Pang Movies

KC normal ang pagseselos?

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
KC normal ang pagseselos?

Insecurities or selos marahil ang namamagitan sa mag-inang Megastar Sharon Cuneta at anak na si KC Concepcion.

Ang ugat diumano nito ay ‘yung pagpuri ni Sharon sa mga anak na sina Frankie at Miel (mga anak ni Mega kay Sen. Kiko Pangilinan) at ang bunso ay si Miguel. Marahil ay puring-puri ni Mega ang mga anak nila ni Kiko at natural na makaramdam ng tampo si KC.

Well, normal lang naman ‘yan, kahit na nga  mahirap o mayaman ang pamilya ‘di nawawala ang selosan.

Tutal Valentine’s na rin naman patawad na lang sa isa’t isa at pag-ibig ang pairalin.

Si KC pa eh, mamlabot ang puso niyan, maganda na at napaka-sweet pa.

Hype… nakakahanap ng mga batang may kakaibang talent

Ang gagaling ng mga batang kasali sa Hype Kang Bata Ka ng Eat Bulaga nina Vic Sotto, Joey De Leon.

Magagaling silang kumanta, sumayaw at mag-acrobat.

Sabi ni Jose Manalo, nagugulat siya dahil hindi niya raw alam kung saan hinuhugot ng mga bagets na may edad na four years old para magawa ang mahihirap nilang talento.

Para sa akin, siyempre kung ano man ang pinag­huhugutan ng mga batang kalahok sa Hype Kang Bata Ka ay walang iba kundi ang kani-kanilang pamilya.

At syempre pa, isa lang ang goal nila, ang manalo para makatulong sa pamilya. Ganern!

Personal…

Maraming salamat sa lahat ng mga nakaalala sa aking birthday, sina Erlinda E. Rapadas, Ricky F. Lo, Nitz Miralez, PMPC Pres. Sandy ES Mariano, Joey & Maricel Coquia family na nagdala ng lafang, Rameng Coquia, La Cebuana, Vir Gonzales, Madam Salve Asis, Ms. Debbie, higit sa lahat kay Manay Ethel Ramos (nakakwadro pa ang pagbati sa akin, touched ako sobra). At kay Manay Cristy Fermin salamat sa pagbati mo sa akin sa iyong programa sa Radyo Singko. Weng Aguilada, Julie Bonifacio at sa buong miyembro ng PMPC. Salamat po! Pagpalain tayo ng Diyos Amang nasa langit sa pangalan ni Jesus na ating tagapagligtas. Amen! 

Congratulations din sa bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Nag-oathtaking na sa Bulwagang Batasang Pambansa under Cong. Allan Peter Cayetano.

Hindi na ako nakadalo, gustuhin ko man pero ‘di kaya dahil masama ang pakiramdam ko. Okay na rin, tutal alam ko naman na ang mga inducted officer ay may mga kakayahang magampanan ang kanilang posistion. God bless you all! (Happy birthday po uli tita. Pagaling ka po agad. - Salve)

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with