Aktres na sumikat noon sa abroad, gusto na namang makipagsapalaran
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 8, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, nakaramdam ako ng lungkot nang may magkuwento sa akin na nagbabalak na naman pala ang isang aktres na sumikat noong kabataan niya na umalis uli ng bansa para i-try abroad kung magkakaroon pa siya ng magandang kapalaran.

Hindi lang dito sa atin sumikat si aktres, nagkaroon din siya ng international career nang magkaroon siya ng hosting stint abroad.

Pero ‘yun nga lang, ‘yung kasikatan ni aktres noon ay unti-unting naglaho noong nag-asawa’t nagkaanak siya.

Siyempre, she’s not getting any younger na rin, kaya naman kahit bumalik na siya sa bansa, hindi naman siya palaging nagkakaroon ng regular work.

Ngayon nga, lumalapit na si aktres sa mga kaibigan niya para matulungan na magkaroon siya ng regular TV series lalo na’t single working mom siya.

Ako nga, nananalanging magkaroon ng regular TV show uli si aktres para hindi na niya kailangang umalis uli ng bansa.

In fairness to her, magaling umarte si aktres at kahit naman mother role ay walang problema sa kanya.

Hindi rin kasi maarte si aktres at marunong siyang makisama sa lahat.

Sana nga ay dumating uli ang suwerte sa career ni aktres!

Sana nga ay mamukadkad uli ang kanyang career katulad ng kanyang pangalan.

Sharon at Regine, sa Amerika magso-shoot ng movie?!

Mukhang totoong magkaka-34 movies ang Viva Films ngayong taon na ito katulad nga ng in-announce nila sa Vision 2020 press event nila kamakailan.

Panay ang story conference nila.

Si Nathalie Hart nga na kasisimula pa lang sa Pakboys movie nina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Andrew E. at Jerald Napoles ay may new movie na naman kasama sina Joseph Marco at Ryza Cenon.

‘Yung movie kaya na gagawin nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid, kailan naman kaya mag-i-story conference?

Excited na kasi ang fans ng Megastar at Asia’s Songbird para doon.

Naku, since may concert tour sila sa Amerika sa May, ano kaya kung doon kunan ang ibang mga eksena nila?

At least mas madaling matatapos ang pelikula nina Sharon at Regine, huh!

Pops hanggang judge lang, ayaw ng teleserye

Marami ang natuwa na hindi lang sa concert scene bumalik si Pops Fernandez at may Two-gether Again sila ni Martin Nievera sa The Theater at Solaire on February 14, 15, 17, 18, 19, 20 and 21 dahil isa rin siya sa judges sa Centerstage ng GMA 7.

Ang bongga nga ngayon ni Pops samantalang some years back ay parang mas gusto na lang niyang mag-produce ng concerts under DSL Productions.

Anyway, may fans si Pops nagsasabing sana ay magteleserye rin siya, pero ‘yun ang mukhang malabo.

Kapag tinatanong ko si Pops ay sinasabi niya na ayaw niyang gumawa ng series.

‘Yun na!

VIVA FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with