^

Pang Movies

Sikat na actor nagpapagawa na ng sariling bahay para magkaroon ng privacy

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Nagpapagawa na raw ng sariling bahay ang isang sikat na aktor.

Actually, hindi na rin naman kasama ngayon ni aktor sa bahay nila ang kanyang pamilya.

May iba na siyang tinitirhan.

Noong nandoon pa siya sa bahay nila, nagugulat na lang daw si aktor dahil bigla na lang siyang may nakikitang hindi familiar faces. ‘Yun pala, relatives ng nanay niya na hindi matanggihan, kaya sa kanila na pinatitira.

Hindi naman maramot si aktor, pero gusto lang niya ng privacy, kaya lumipat na siya.

Sa new house na pinagagawa niya, marami ang humuhula na doon niya ititira ang kanyang girlfriend na pinaniniwalaang pakakasalan niya in the future (not so near).

Annabelle aligaga sa kasal nina Richard at Sarah

Sa March 14 na ang kasalang Ri­chard Gutierrez-Sarah Lahbati.

Sa tuwing magkasama kami ni Annabelle Rama at nagyayaya siyang kumain, nire-remind ko siya na malapit na ang kasal ng kanyang anak at kailangan na niyang mag-diet.

“Tita, ang diet. Lahat halos ng mga kasali sa entourage sa wedding, panay na ang diet,” madalas kong dialogue kay Bisaya.

“Oo nga, ako na lang ang hindi nagda-diet. Napapansin ko nga si Esther (Lahbati, nanay ni Sarah), kapag inaalok ko ng pagkain, palaging ayaw o kaya konti lang kung kumain. Piling-pili rin ang kinakain niya.

“Hirap akong mag-diet. Hayaan mo na,” madalas na sabihin ng Gutierrez matriarch.

Paano naman kasing makakapag-diet si Bisaya, bukod sa busy siya sa wedding preparations, abala pa sa pre-production ng Voices for Love, ang pre-Valentine dinner concert nina Jed Madela at Angeline Quinto on February 12 at The Marriott Grand Ballroom.

Marami namang staff si Bisaya, pero sanay talaga siya na siya ‘yung tumututok sa lahat.

Like sa wedding nina Richard at Sarah, may planner na nag-aasikaso, pero tutok na tutok pa rin si Bisaya sa lahat ng mga detalye.

Ayaw kasi ni Bisaya na kung kailan mismong araw na ng event ay saka pa lang malalaman at reremedyuhan ang mga problema.

Eh, sanay na rin naman si Bisaya na ini-stress ang sarili. Hehehe!

Feeling ko nga kaya madalas siyang magyayang kumain ay dahil sa stress, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

RI­CHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with