Novel… hindi raw tatagal dahil made in China

Coronavirus tuloy ang pagkalat, Solenn kino-question na ang gobyerno sa pagpapasok ng flight galing China

Hindi naman daw tatagal ang novel coronavirus dahil made in China ito.

Actually, sa kabila nang takot ng lahat sa nasabing virus, nagawa pa talaga nilang mag-joke at ikumpara sa mga produktong cheap pero mabilis masira dahil Made in China ang kumakalat at deadly virus.

Samantala, parang tonong imbyerna si Solenn Heussaff sa patuloy na pagtanggap ng bansa sa mga flight mula sa China. “Why is our government still allowing flights in from China?? That should have been the first action when news about this virus came out,” post ng kapapanganak na actress / TV host.

Dumating nga sa bansa (Davao) ang Xiamen Air direct flight from Jinjiang, China na may sakay na  50 Chinese nationals mula Quanzhou in China sa Davao International Airport the other day. 

Sir Mike pinagdadahan-dahan sa pag-ubo sa ere

Ingat tayo guys.

Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang unang novel coronavirus case sa bansa.

Tulad sa laging paalala, maging malinis sa katawan at sa kapaligiran at gumamit ng face mask para makaiwas sa anumang klase ng virus.

Pag may umuubo ‘wag nang makihalubilo.

Ang may problema ay si Sir Mike Enriquez. Naku habit na niya ang parang nasasamid at parang nauubo.

Kaya ang request sa kanya, sana raw ay magdahan-dahan sa pag-ubo si Sir Mike.

 Julie Anne, bagong NCCA music ambassador

Wow, mukhang taon ni Julie Anne San Jose ang 2020.

Kakaumpisa pa lang year of the metal rat, heto at pinangalanan siyang isa sa newest ambassadors for music by the National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Tinanggap ng Kapuso star sa kick off celebration ng National Arts Month ang kanyang plaque of recognition to solidify her role.

“I’m just so honored and grateful to be here today and to be chosen bilang isa sa mga ambassadors ng Filipino music, arts, and culture. Maraming, maraming salamat po for giving me this opportunity to contribute to our country in my own little way. This will actually encourage me to help and inspire more people especially the youth in pursuing their passion dahil napaka-talented po talaga ng mga Pilipino,” sabi niya sa kanyang speech.

In all fairness to Julie Anne, nag-e-excel siya sa various field of entertainment such as hosting, performing and acting kaya naman binigyan siya ng title na Asia’s Pop Diva, pero hindi masyadong nagti-take off ang pangalan niya.

Currently, Julie is among the mainstay performers of GMA Network’s Sunday musical-comedy-variety show All-Out Sundays.

Sana ay makatulong ito para mas bumongga ang career niya.

Show comments