Kris at AiAi pagsasamahin ni Willie?!

Kris

Gusto na talaga magtrabaho ni Kris Aquino, nami-miss na nito ang magtrabaho, kaya kahit hindi pa siya fully recovered, nakipag-meeting na siya last Friday. Last Tuesday naman, nag-photoshoot na siya, her first photo shoot for 2020 at may mga susunod pang photoshoot.

Of course, miss na miss na ng kanyang fans si Kris na mapanood ng regular sa TV, kaya nang minsang dumalaw kay Willie Revillame sa studio ng Wowowin, may mga nagre-request kay Willie na kunin niyang co-host sa Wowowin Primetime every Saturday si Kris para raw mas masaya.

Naalala lang namin, nang mag-guest si AiAi delas Alas sa Wowowin, nabanggit ni Willie na abangan si AiAi every Saturday. Sinagot siya ni AiAi na ‘wag nang bawiin ang kanyang in-announce na co-host siya ‘pag Saturday.

Paano ‘yun, kung sina AiAi at Kris ang co-hosts ni Willie? Ang saya-saya siguro sa Saturday episode ng Wo­wowin Primetime na magpa-pilot na sa February 15.

Bianca napapadalas ang pagdikit sa Kapamilya stars

Mapapadalas ang pagsasama nina Sam Concepcion at ni Bianca Umali dahil sa HBO Asia Halfworlds. Sa TVC ng isang brand ng shampoo, mga taga-ABS-CBN din ang kasama ni Bianca.

Si Inigo Pascual naman ang kasama ni Bianca na ambassador ng World Vision Hopetown at sa mga nakakita ng pictures na magkasama sila, marami ang nag-wish na sana, magkaroon sila ng project na magkasama. Imadyinin ninyo kung natuloy si Bianca sa Darna?  Hindi na siya mahihirapang magkaroon ng mga kaibigang Kapamilya.

Anyway, si Dennis Trillo ang susunod na makakasama ni Bianca sa GMA 7 teleserye na Legal Wives. Ano kaya ang role ni Bianca, isa kaya siya sa mga asawa ni Dennis?

Show comments