^

Pang Movies

Sandara humabol sa Tala dance craze

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sandara humabol sa Tala dance craze

Sayang at hindi napanood ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo ang Cross tour concert ng Korean male pop group na Winner sa SM MOA Arena kamakailan lang dahil sinayaw ng ilang  miyembro ng all-male group ang Tala dance craze ni Sarah na labis na ikinatuwa ng fans.

Kung ang Winner ay hindi nagpahuli sa Tala dance challenge, laluna si Sandara Park na nagpaturo pa kay Teacher Georcelle ng G-Force.

Hindi ikinakaila ng Korean star na big fan umano siya ni Sarah kahit major star na siya sa kanyang bansa sa South Korea.

Legacy ni Kuya Germs buhay sa Walk of Fame

Bukod sa pagiging star builder nung siya’y nabubuhay pa, ang isa sa mga legacy na iniwan ng Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno ay ang Eastwood City Walk of Fame in Quezon City na kanyang sinimulan nung December 1, 2005.  Ito’y inspired ng Hollywood Walk of Fame in Los Angeles, California.

Dahil sa kakulangan sa budget, personal money ni Kuya Germs ang kanyang ginamit sa tulong ng ilang mga kaibigan para mairaos niya taun-taon ang Eastwood City Walk of Fame.

It was in January 8, 2016 nang sumakabilang-buhay si Kuya Germs pero ito’y ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Federico Moreno at ng bumubuo ng board of directors  ng Eastwood City Walk of Fame Foundation.

Kamakailan lamang ay siyam na bagong inductees ang pinarangalan ng kanilang sariling stars sa Eastwood City Walk of Fame at kasama sa mga ito ang Fil-American stand-up comedian na si Jo Koy (Joseph Glenn Herbert sa tunay na buhay). Filipina ang ina ni Jo Koy at dating US Air Force naman ang kanyang ama.

Honored si Jo Koy sa parangal na ibinigay sa kanya at nalaman marahil nito na kulang sa funding ang Eastwood Walk of Fame Foundation kaya nagbigay ito ng 2 milyong piso para sa kanilang beneficiary, ang MOWELFUND or Movie Workers Welfare Foundation, Inc. na ikinatuwa ni Fede­rirco, ang president and general manager ng Eastwood City Walk of Fame Foundation maging ang pangulo ng MOWELFUND na si Boots Anson Roa-Rodrigo.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with