^

Pang Movies

Joshua super iwas na kay Julia, ayaw makatabi kahit sa upuan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua super iwas na kay Julia, ayaw makatabi kahit sa upuan

Kung may umaasa pang makakabalik ang love team na JoshLia, sorry na lang sila. Mukhang si Joshua Garcia na talaga ang umiiwas sa dating ka-love team na si Julia Barretto. Natawa lang kami dahil may nagpadala sa amin ng dalawang video.

Iyong unang video, makikitang papasok si Julia sa isang enclosure, mukhang isang public show na sinasabing celebration daw ng Chinese New Year. Kasunod niyang pumapasok kasama rin ng security men si Joshua. Nang makarating sila sa backstage, umupo sa mga inilaang silya si Julia. Makikita rin ang isang PA na itinuro kay Joshua ang kanyang upuan, pero hindi umupo ang actor. Deadma lang siyang nakatayo sa isang tabi. Hindi sila nagpapansinan ni Julia, na akala mo nga hindi magkakilala.

Sabi naman namin, baka may iniisip lang iba. Pero pagpipilit ng aming source “buksan mo ang ikalawang video”.

Iyon namang ikalawang video ay kuha sa isang mall show. Pagkatapos kumanta ni Joshua, pumasok sa stage si Julia, promo kasi ng pelikula nilang Block Z iyon. Pero halata mo, ni hindi tinitingnan ni Joshua ang ka-love team.

Noong oras na para si Joshua ang mag-promote, iniaabot sa kanya ni Julia ang microphone, pero ang kinuha ni Joshua ay iyong mic na iniaabot rin ni McCoy de Leon. Deadma na lang ang na-snob na si Julia.

Hindi naman siguro masasabing snob si Joshua, baka naman talagang umiiwas lang siya dahil ayaw niyang mahalo sa kahit na anong controversy. Mahirap na nga naman iyong pagbintangan pa siyang sinusulot niya ang dati niyang girlfriend. Eh sa ngayon mukhang ok din naman ang kanilang pagsasamahan ni Janella Salvador, tahimik pa sila.

James at Nadine nagkabalikan na?!

Kahit na magbigay ng public statement ang mga artista, hindi mo basta mapapaniwalaan dahil iyong iba riyan hindi naman totoo kung hindi ginagawa lamang para sa kanilang career. O kaya naman ay napilit lang.

Ano ang sinabi namin  tungkol doon sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre? Hindi ka maniniwala na ganoon lang ang paghihiwalay dahil ilang taon din naman silang nagsama. Magka-live in sila. Iyong nagli-live in, hindi naman iyan naglalaro ng sungka kung gabi.

Noong Sabado ng gabi, Enero 25, nakitang magkasama sina James at Nadine sa Alamat Pub sa Poblacion, Makati. Hindi tsismis iyan ha, kasi nakunan sila sa CCTV mismo ng pub. Hindi namin alam kung sino naman ang nakakuha o nakakopya ng shot na iyon ng CCTV, pero maliwanag na magkasama silang dalawa.

Iyan ba ang hiwalay?

Dalawang male personalities na tumikim ng beki sa Bora, nagkailangan nang magkita

Nagkailangan ang dalawang male personalities sa isang mahalagang event noong Sabado. Magkaibigan kasi ang girlfriend ng isang male model at iyong asawa naman ng male star. Close talaga ang dalawang babae. Iyong dalawang lalaki naman, nagkailangan nang magkita.

Years ago, sinasabing may milagrong nangyari sa Boracay na silang dalawa ang may gawa. Pareho naman kasi ang dalawang male personalities na may karanasan sa mga bading, at pareho rin naman silang bisexual daw.

Nagkamayan naman ang dalawa, pero halata mong may pagka-ilang na kitang-kita sa video.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with