Anak ni Dennis Da Silva puwedeng pang-beauty pageant
Anak ni Dennis Da Silva puwedeng pang-beauty pageant
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 27, 2020 - 12:00am

Ngayong gabi ang pilot telecast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, ang primetime show ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ang ipinalit ng Kapuso network sa nagwakas noong Biyernes.

Kung comedy movie ang original na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na tinampukan nina Snooky Serna at Maricel Soriano noong 1984, drama naman ang television version at tungkol sa love triangle nina Snooky, Dina at Jay Manalo ang kuwento.

Si Mark Sicat Dela Cruz ang direktor ng bagong teleserye ng GMA 7 at ayon sa kanya, ibang-iba ang treatment niya sa television adaptation ng blockbuster movie nina Maricel at Snooky noong 1984.

Cast member ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday ang anak ni Dennis Da Silva na si Faith na beauty queen in the making.

Gandang-ganda ang entertainment writers kay Faith kaya hinihikayat siya na sumali sa mga national beauty pageant.

Estranged sa isa’t isa sina Faith at Dennis na hanggang ngayon, nakakulong pa rin sa Pasig City Jail dahil sa mga kaso ng child abuse at rape.

Sure ako, kahit hindi sila nagkikita, proud si Dennis dahil may anak siya na sumunod sa yapak niya sa showbiz. Contract star si Faith ng GMA Artist Center at grateful siya sa kanyang home studio dahil sa mga project na natatanggap niya.

Nadine ipa-partner kay Alden sa commercial!

Nakabalik na raw ng bansa si James Reid mula sa California.

Hindi pa nagsasalita si James tungkol sa break up nila ni Nadine Lustre.

Wala pa akong nababalitaan tungkol sa mga bagong project ni Nadine Lustre sa Viva Films pero parang hindi naman siya nawawalan ng mga pro­duct endorsement.

Kung hindi ako nagkakamali, si Alden Richards daw ang makakasama ni Nadine sa isang malaking product endorsement na inililihim pa kaya hindi pa puwedeng maglabas ng mga detalye.

FAITH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with