Sarah at Matteo
Friends nina Sarah at Matteo excited dumalo sa kanilang kasal
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 23, 2020 - 12:00am

May tsikang kumakalat na ngayong March daw ang wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sabi, sa Italy raw ‘yon.

Isang malapit sa dalawa ang “hinuli-huli” ko noong isang araw.

“Are you going to Italy in March?” tanong ko, na sinagot nito ng, “Not in March. But I’m going there by April.”

Deretsahan na, inusisa ko uli ito, “Sa March ba talaga ikakasal sina Sarah at Matteo at sa Italy raw?”

Hindi raw niya alam, pero ang alam niya, intimate lang daw ang planong wedding ng mag-fiancé.

Anyway, may iba naman akong narinig na nagtanong daw si Sarah kung ang sinasabing “sukob” ba ay same year o within a year?

Noong December 8 kasi ay ikinasal ang kapatid ni Matteo na si Georgia Guidicelli at kasama pa nga sa entourage ang mag-fiancé.

Well, sa dami ng mga kuwentong naglalabasan tungkol sa pinaplanong kasal nina Sarah at Matteo ay nangangahulugan lang ‘yon na marami talaga ang excited na magpakasal na sila, huh!

Cristine at Xian todo tukaan sa ginawang pelikula

Thankful ang mga taga-Magandang Buhay dahil guest co-host nila kahapon si Cristine Reyes.

Absent kasi si Jolina Magdangal, kaya si Cristine muna ang nakasama nina Karla Estrada at Melai Cantiveros sa pagho-host ng show.

Siyempre, promo na rin ‘yon ni Cristine para sa Untrue movie nila ni Xian Lim.

Sa February 19 na kasi ang showing ng Untrue, kaya nagpo-promote na sina Cristine at Xian.

Sa teaser ng Untrue, ilan na ang kissing scenes nina Cristine at Xian, pero kailangan daw talaga ‘yon sa pelikula. Hindi naman siguro magre-react ang mga fan ng love team ni Xian at Kim Chiu sa bagay na ‘yon, ‘noh?!

Jolina balik-Magandang Buhay!

Samantala, back to Magandang Buhay today si Jolina Magdangal.

Live raw sila ngayon.

Madalas na ring nagla-live ang Magandang Buhay.

Tama ba ang narinig ko na ang katapat nila sa GMA-7, ang Mars Pa More ay may araw na rin na magla-live?

Mas maganda kung nagla-live ang mga TV show para puwede nilang pag-usapan ang mga latest issue.

Magkakalakas ng loob na manliligaw kay Nadine, inaabangan!

Parang national issue ang kumpirmasyon nina James Reid at Nadine Lustre na hiwalay na sila.

Sa mga interview sa iba’t ibang celebrities, natatanong ang mga ‘yon kung ano ang masasabi nila sa paghihiwalay ng JaDine?

Ang tanong naman ng marami — sino kayang aktor ang unang magkakalakas ng loob na pomorma kay Nadine ngayong wala na sa buhay ng dalaga si James?

‘Yun na!

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with