Iza nawindang sa pagkakadawit sa hiwalayang James at Nadine!

Iza

Nakakaloka ang netizens na bina-bash ngayon si Iza Calzado at pinagbibintangang 3rd party sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid. Maliwanag na napagkamalan ang aktres dahil nga kapangalan niya ang nakababatang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa na siya talagang totoong inaakusahang dahilan ng JaDine break-up.

Tinatawanan nga ni Iza ang issue at kaaliw ang sagot niya sa kanyang Instagram Story.

Kinunan ng aktres ng screenshot ang isang netizen na nagkomento sa kanya ng “kung totoo man ang issue, sana masaya ka sa ginawa mo kay James and Nadine!”

At nakakatawa ang sagot ni Iza. Aniya, “People of the Philippines, Anong kaguluhan ito??? Hahaha! May asawa na Ako! Lord!”

May isa namang netizen na tinawag pa siyang ahas.

Sagot ni Iza rito, “but wait there’s more! Does this mean na pasok pa Ako sa early 20s market? May asim pa si Tita Iza? Wrong account thought! Hahaha!”

Dugtong pa niya, “Pero seryoso guys, sad Ako nagbreak ang #Jadine.”

Sa lahat ng isyung lumabas regarding James and Nadine break-up, ito talagang isyu ni Iza ang nakakatawa.

Imagine, may asawa na nga naman ‘yung tao at ang laki ng age gap nila ni James. Kaloka, di ba naman?

Dina bilib sa pagpapalaki ni Coney kay Mayor Vico

Kinumpirma ni Dina Bonnevie sa presscon ng Anak Ni Waray VS. Anak Ni Biday na friends na ulit sila ngayon Coney Reyes na alam naman ng lahat na nakarelasyon ng noo’y asawa pa niyang si Vic Sotto.

May nagtanong kasi sa apat na lead stars ng serye na sina Dina, Snooky Serna, Barbie Forteza and Kate Valdez kung may time ba sa buhay nila na nakaaway nila ang kanilang best friend since ang kuwento nga nito ay tungkol sa dating magkaibigan na naging magkaaway.

Without mentioning who, sinabi ni Dina na mayroon siyang dating friend at nag-away sila dahil sa kanyang asawa.

After the Q&A ay nakausap namin sa solo interview si Dina at napag-usapan ulit ang tungkol sa sinabi niya a while ago about Coney. Sey nga niya, open book naman daw ang nangyari sa kanila at alam naman daw ng lahat ng tao. Pero ang importante ay okay na sila ngayon.

Sey pa niya, sobrang thankful daw niya kay Lord and she’s happy na friends na sila ni Coney although syempre, hindi naman daw masasabing best of friends since may kanya-kanya na rin silang buhay at magkaiba na ang mundo.

Pinuri rin ni Dina si Coney sa magandang pagpapalaki nito kay Vico Sotto na as we all know ay anak nito kay Bossing Vic.

“I’m so proud of Vico. Parang he was really raised well. Sa akin, kudos to her for raising Vico well. And wala, parang sa akin is, tingnan mo nga naman ang Panginoon, ano? Parang she was also instrumental kung paano rin ako naging mas malalim na Christian,” pahayag pa ni Dina.

Samantala, magsisimula na ngayong Lunes, Jan. 27 ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

Rachel Arenas walang natatanggap na reklamo sa lantarang ka-sweetan nina Vice at Ion sa  TV

Sa lunch tsikahan kahapon with MTRCB (Movie & Television Review Classification Board) Rachel Arenas ay nahingan siya ng reaksyon tungkol sa naging pag-amin ni Vice Ganda at Ion Perez sa It’s Showtime noong October last year pati na rin sa hayagang pagpapakita nila ng kanilang sweetness sa mga episodes ng nasabing noontime show.

May mga nangba-bash na rin kasi kina Ion at Vice Ganda at sinasabing hindi raw ito magandang tingnan on national television.

Ayon kay Chairperson Arenas, ginagawan naman nila ng aksyon kung may mga nagrereklamo talaga sa kanila at kung sa tingin ng mga ito ay hindi nararapat ipalabas.

“But so far kasi, we haven’t received grave complaints about what you mentioned, but if and when we do, we’ll definitely call the network. Hindi naming pwedeng isawalang-bahala lamang ‘yung mga reklamo ng mga manonood whether isa lang yan, or dalawa ‘yan or tatlo, ipapatawag at ipapatawag namin sila. But so far, to be honest, hindi pa kami nakakatanggap ng ganun’g reklamo,” pahayag ng MTRCB head.

Dagdag pa niya ay mayroon naman silang ibinibigay na classification rating sa pilot episode pa lang ng isang show.

Of course ay inirerespeto naman daw niya ang karapatan ng LGBTQ community.

“But syempre, if the viewers feel that it’s too much, of course, we will call on that. But if I say kasi my personal take on it, it will affect also the decision nun’g nag-review. And ako, I always respect kasi the decision of our board members who review whatever movie that is or whatever episode that is or whatever teleserye that is,” she said.

Nagpatawag ng lunch si Chairperson Rachel dahil nami-miss na raw niya ang entertainment press na medyo matagal na rin daw niyang hindi nakakatsikahan. Ayaw nga niyang magpa-interview at mas gusto niyang siya ang makibalita sa press kung ano ang latest tsika sa showbiz.

Naging maganda raw ang taong 2019 para sa MTRCB at sana raw ay magtuloy-tuloy at maging mas maganda pa this 2020. Marami raw silang plano for this year. Sinimulan na nila ang online show nila na “MTRCB Uncut” which contains a no-hold barred interview sa iba’t ibang perso­nalities, at kabilang na rin dito ang mga featured interview sa mga MTRCB board members and employees para naman daw may idea ang mga tao kung paano ang proseso ng kanilang agency at kung ano ang kanilang ginagawa. Mapapanood ito every Friday sa Facebook page ng MTRCB.

Show comments