Maja, Janella
Maja pinu-push si Janella
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

Hindi ikinakaila pareho nina Joshua Garcia at Janella Salvador na ilang beses umano silang gustong pagsamahin sa isang project since 2016 pero hindi raw ito natutuloy until finally ay nagkasama sila sa nagtapos na seryeng The Killer Bride kung saan tampok din sina Maja Salvador at Geoff Eigenmann.

Ex-boyfriend ni Julia Barretto si Joshua habang kaibigan naman ni Janella si Julia. Si Janella naman ay nali-link ngayon sa Filipino-British actor na si Markus Paterson matapos mahiwalay ang young singer-actress sa kanyang dating ka-loveteam at kasintahan na si Elmo Magalona.

Si Maja Salvador ang lumalabas na nagpu-push kina Joshua at Janella at mukhang game naman ang young actor na tinawag si Janella na “My baby” nung thanksgiving cast and staff party ng The Killer Bride kung saan din nila pinanoond ang finale ng serye.

May dahilan bang mag-selos si Markus kay Joshua?

Speaking of Maja at Janella, naging close ang magpinsan habang ginagawa nila ang The Killer Bride na nagtapos na sa ere nung January 17.

Grateful si Janella sa pagiging supportive umano sa kanya ni Maja habang ginagawa nila ang serye.

Samantala, nagpapasalamat din si Janella kay Joshua dahil nakatagpo siya ng kaibigan bukod pa sa mahilig  itong magpakain sa kanya.

Umaasa si Janella na sana’y muli silang magkatrabaho ni Joshua in the future.

Nadine puwede nang tumambal sa iba

Lumabas din ang totoo sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Dapat sana ay magsi-celebrate ang dating live-in partners ng kanilang ika-4th anniversary bilang magkasintahan sa darating na February 11 pero hindi na ito umabot dun dahil hiwalay na ang dalawa.

Base sa kanilang ipinadalang joint statement sa programang Tonight with Boy Abunda, inamin ng dalawa na gusto lang muna nila pareho na harapin ang kanilang respective solo career at growth nila as individuals. Pero nananatili pa rin umano silang close na magkaibigan at patunay dito ang kanilang patuloy na music collaboration. Naka-pirma si Nadine sa sariling record label ni James, ang Careless Music Manila although nananatili si Nadine sa pangangalaga ng Viva.

Sina James ay Nadine ay naging magkasintahan nung February 11, 2016 at kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon sa kanilang February 20, 2016 JaDine: In Love concert sa Smart Araneta Coliseum.

Nabuo ang loveteam ng dalawa nang gawin nila ang movie adaptation ng Diary ng Panget under Viva Films in 2014 na naging hit sa takilya.

Ngayong on separate ways na sina James at Nadine, would this mean kaya na mas haharapin ngayon ng young singer-actress ang kanyang career without to bank on their loveteam?

Ang huling tambalan nina James at Nadine ay nangyari sa pelikulang Never Not Love You na dinirek ni Direk Antoinette Jadaone under Viva Films in 2018 at nakapagbigay kay Nadine ng tatlong Best Actress trophies mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Unknown to many, sina James at Nadine dapat ang mga pangunahing bida sa local remake ng 2011 Korean hit movie na Spellbound pero dahil sa pagkalas ni James sa bakuran ng Viva to be on his own at pagpapahinga sandali ni Nadine sa paggawa ng pelikula, ang nasabing proyekto ay napunta kina Marco Gumabao at Bela Padilla at in progress na ang shooting nito na pinamamahalaan ni Thop Nazareno. May mga eksena ring kinunan pa sa South Korea.

Second time na ito ni Bela na pumalit kay Nadine sa pelikula. Nauna na rito ang blockbuster hit movie ng Metro Manila Film Festival, ang Miracle in Cell No. 7 na local remake rin ng 2013 hit Korean movie of same title na pinagbidahan ni Aga Muhlach.

Alden at Julie Anne binubuhay

In our last talk with Direk Mike Tuviera ng APT Entertainment, inamin nito na matagal na silang may nakahandang reunion project para kina Alden Richards at Maine Mendoza pero hindi umano ito maka-take off dahil sa respective sched ng dalawa.

Kung ang AlDub fans nina Alden at Maine ang tatanungin, hindi pa tulu­yang nawawala ang tambalan ng dalawa lalupa’t regular pa rin naman silang napapanood  sa longest noontime show na Eat Bulaga. Pero nawala na ang magic ng kanilang tambalan nang maging open ang relasyon ni Maine sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ngayon naman ay muling nauungkat ang pagli-link kina Alden at Julie Anne San Jose dahil silang dalawa ang frontliners ng bagong simulang Sunday musical variety show, ang All Out Sunday.

JANELLA SALVADOR MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with