‘Tala Para Sa Taal’ dance flash mob idinaos sa Luneta
Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa mahigit 600 na pawang nakasuot ng kulay pink ang nakilahok kahapon sa idinaos na charity dance para makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng Taal Volcano eruption, sa Luneta.

Ang Tala Para Sa Taal ay inorganisa ng fans group ng singer-actress Sarah Geronimo na pinangunahan ni Barrie Juanico.

Layunin nila na makalikom ng pondo mula sa tig-100 registration fee para i-donate sa mga apektadong mamamayan ng Taal eruptions na idadaan sa Philippine Red Cross.

Dakong ala-1:00 ng hapon nang magsimulang magtipun-tipon sa Burnham Green, Rizal Park, sa harapan ng Quirino Grandstand, sa Luneta ang mga kalahok at sinimulan ang pag-e-ensayo para sa sabayang pagsasayaw ng viral dance craze na Tala na pinasikat ni Sarah Geronimo.                                       

TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with