Carla at Tom mas lumalim ang samahan sa Japan
Joe Barrameda (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng quality time na mag-bond ang real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang Japan trip recently.

Kinakiligan naman ng netizens kung gaano ka-caring ang binata sa dalaga matapos nitong samahan si Carla nang ma-ospital dahil sa sakit ng tuhod during their Japan vacation.

Samantala, excited na rin ang fans ng dalawa sa kanilang pagbabalik tambalan sa upcoming GMA teleserye na Love of my Life. Isang inspirational drama ang bagong show nila kung saan makakasama rin nila ang nagbabalik telebisyon na si Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes.

Barbie todo pasasalamat sa bagong title

Masasabi ng lahat na nakasaksi sa paglaki ng aktres na si Barbie Forteza sa showbiz industry na deserve na niya ang matawag na Kapuso Primetime Princess. “Talagang laking pasasalamat ko dahil sobra ‘yung tiwala na binibigay nila sa ‘kin. Para sa isang artista, lalo na ako, bagets, kumpara sa iba, baguhan pa lang din naman ako, pero kinonsider nila ako and binigyan ng title.”

Dagdag pa niya, pinaparamdam sa kanya ng GMA na worth it ang lahat ng napatunayan niya sa iba’t ibang karakter na kanyang ginampanan. Excited na si Barbie sa upcoming primetime series na pagbibidahan niya kasama si Kate Valdez na Anak ni Waray vs Anak ni Biday na mapapanood very soon sa GMA.

CARLA ABELLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with