Zia nakipagsabayan sa pagbabalot ng relief goods

Zia

Isa ring dapat papurihan ngayong may krisis na dinadaanan ang bansa dahil sa pagsabog ng Taal Volcano ay si Dingdong Dantes na naglunsad ng  Call for Donations sa pamamagitan ng kanyang Yes Pinoy Foundation.

Ipinost niya ito sa kanyang Instagram account at hinimok ang mga kabataan na magpa-abot ng tulong para sa mga kababayang apektado ng Taal Volcano eruption.

“Tara, tulong tayo. We are gathering cash and in-kind donations to assemble 1000 relief packs to be sent through our partners from the Philippine Navy CMOG and the Philippine Red Cross,” caption ni Dong.

Sa latest IG story naman ni Marian Rivera ay makikitang naghahanda na silang magdala ng relief goods sa Batangas at makikita nga ang saku-sakong bigas na kanilang dadalhin.

Nakakatuwa rin ang lumabas na picture ng panganay nilang si Zia na nagpa-pack din ng relief goods at inilalagay sa isang bag.

“The cutest #YesPinoyFoundation volunteer. #DamayangPinoy #ZiaDantes,” ang tweet ng isang netizen.

Bukod sa mga nasalanta ng Taal Volcano ay tumulong din ang Yes Pinoy Foundation sa mga naapektuhan naman ng lindol at ipo-ipo sa Mindanao.

Ken atat sa concert nina Pops at Martin

Excited na si Ken Chan sa Two-gether Again Valentine concert series nina Martin Nievera at Pops Fernandez dahil guest silang dalawa ni Rita Daniela. “Beyond excited for @missritadaniela and I to be the special guests of these two legends of the Philippines, Mr. Martin Nievera and Ms. Pops Fernandez on their concert this February 14th and 15th. It is a night for all of us to truly be together again,” ang post ni Ken.

Sa ngayon ay malapit nang magtapos ang One of the Baes teleserye ng RitKen kaya nagpapasalamat na si Ken sa lahat ng mga sumubaybay sa show.

Alden sobrang saya sa pagho-host

Ini-reveal na rin ang bagong project ni Alden Richards for the year at ito ay ang bagong singing talent competition ng GMA 7, ang Centerstage kung saan ang Pambansang Bae ang magsisilbing host.

 “Excited ako kasi mahilig ako sa bata first and foremost. And the last hosting show that I did for GMA was ‘Bet ng Bayan’ pa. Batang-bata pa ‘ko no’n. That was five or six years ago,” pahayag ni Alden.

Sey pa niya, ito raw Centerstage ang isa sa major hosting projects niya for 2020.

“Aside from Eat Bulaga, parang ito ‘yung isa sa mga magiging major hosting projects ko for 2020. So happy. Masaya, masaya,” he said.

Show comments