Andi iiwan ang anak na baby sa isla!
Andi
Andi iiwan ang anak na baby sa isla!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 16, 2020 - 12:00am

Magbabalik na si Andi Eigenmann sa paggawa ng pelikula at mukhang isang buwan siyang mawawalay sa kanyang bunso na si Baby Lilo.

Hirap na hirap nga raw si Andi na pagdesisyunan ang paggawa ng pelikula at pag-iwan pansamantala sa six month old baby girl nila ni Philmar Alipayo.

Marami raw mami-miss si Andi sa isang buwan na mahihiwalay siya sa kanyang baby girl.

“And now comes the hardest part. After almost 6 months, I am leaving Lilo for the very first time with papa on the island, because I will be busy filming a new movie,” bahagi ng post ni Andi.

 Huling napanood si Andi sa horror film na All Souls Night noong 2018 pa.

Veteran journalist na si Twink Macaraig naikuwento pa ang pakikipaglaban sa cancer

Nakakalungkot naman na simula pa lang ng unang buwan ng 2020 ay may kasamahan na tayo sa media na namaalam.

Ito ay ang veteran journalist na si Twink Macaraig na nakipaglaban sa sakit na breast cancer. Pumanaw ang TV5 broadcast journalist noong nakaraang January 14.

Unang na-diagnose si Twink with breast cancer in 2000 at nalabanan niya ito. Pero muling bumalik ang kanyang sakit after 16 years.

Nakilala si Twink dahil sa kanyang pag-anchor sa ABS-CBN News Channel (ANC) and the Filipino bureau chief of Channel News Asia, before becoming the senior manager and anchor at News5.

Columnist din siya ng Philippine Star and a part-time faculty at the University of the Philippines College of Mass Communications.

Noong malaman ni Twink na bumalik ang cancer sa katawan niya, tinanggap na niya ito at ipinasa-Diyos na ang lahat.

“Bahala ka na, Diyos, I will spend my time on this earth, and then when I have to go, I’ll be ready,” simpleng tugon ni Twink.

Sa kanyang kolum sa Philippine Star last year, kinuwento niya ang pakikipaglaban niya sa cancer na sana’y kapulutan ng aral ng panibagong henerasyon. “Because not fighting would ignore the very real option that still exists: the handful of brave, honorable souls putting their lives on the line on the firm belief that the Filipino people can get better; can choose to get better; deserve better. They represent, if not a cure, the lone path to a cure too late for my benefit, perhaps, but for the next generation.”

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with