Juancho at Joyce
Juancho at Joyce puro sa beach ang mga paghahanda sa kasal
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

“You and me for life. #PringHomeThe Juan” caption ni Kapuso actor Juancho Trivino sa kanyang Instagram wall nang mag-prenuptial shoot sila ng fiancé na si Joyce Pring. 

Wala na ngang atrasan ang pagpapakasal ng mag-sweetheart, at kahit busy ang dalawa sa kani-kanilang work isinasagawa rin nila ang preparations para sa nalalapit nilang kasal. 

Bukod sa pagiging co-host ni Juancho kay Joyce sa Unang Hirit, nagti-taping din siya ng GMA Afternoon Prime na Madrasta. Si Joyce naman ay isang host-vlogger din.

Last August, 2019, nag-proposed ng kasal si Juancho kay Joyce sa Boracay. At ngayon naman sa isa pa ring beach isinagawa nila ang kanilang prenuptial shoot. Sa Siargao Island. 

Ipinasilip na rin nila ang kanilang behind-the-scenes photos sa dagat.

Kahit very busy si Juancho sa pagti-taping, lagi siyang may time para sa girlfriend. Biniro nga tuloy siya kung si Joyce lang ba talaga ang girlfriend niya?

“Yes, loyal po ako kay Joyce, at yung role ko as Sean sa Madrasta, hanggang doon lamang talaga iyon,” natatawang sagot ni Juancho. “Walang nag-aagawan sa akin sa tunay na buhay. Sa serye po lamang ako pinag-aagawan nina Audrey (Arra San Agustin) at Katharine (Thea Tolentino).”

Sa ngayon, wala pang details na ibinibigay sina Juancho at Joyce tungkol sa kanilang pagpapakasal, kahit ang date ng wedding, wala pa.

Samantala, malapit na ring matapos ang Madrasta kaya sunud-sunod na ang mga pasabog ni Katharine para ma-hold lamang niya si Sean na ang dami-dami na niyang kasalanang ginawa sa dating asawa. 

Napapanood ang Madrasta pagkatapos ng Prima Donnas.

Ken at Rita walang ilangan

Madalas tuksuhin sina Ken Chan at Rita Daniela kung wala bang ‘something’ between them, dahil kitang-kita na very comfortable sila sa isa’t isa at parang wala lang sa kanila ang magyakap at magbiruan sa harap ng mga tao.

“Siguro po dahil naging very comfortable agad kami sa una pa lamang naming pagtatambal sa afternoon prime drama series naming My Special Tatay last year,” sagot ni Ken. “At napakahusay namang artista ni Rita, wala po siyang arte sa mga eksenang ipinagawa sa amin noon, bilang mag-asawa kami.”

“Wala rin po naman akong ilang kay Ken nang magtambal kami as husband and wife, tapos, palaban pa iyong character ko at dahil nga may pagka-autistic ang character niya, ako ang tagapagtanggol niya.”

Ang One of the Baes ay napapanood after ng The Gift.

JOYCE PRING JUANCHO TRIVINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with