Alden
Mga negosyo ni Alden sa Tagaytay apektado ng ashfall!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 14, 2020 - 12:00am

Noon pang Sunday afternoon nag-tweet na ang tatay ni Alden Richards na si Richard Faulkerson ng photo ng Taal Volcano na nagbubuga na ng makapal na usok mula sa main crater. “Taal Volcano ATM (at the moment)”

Ang unang Concha’s Cafe ni Alden sa The Cliff, Tagaytay, ay overlooking ng Taal Volcano kaya nagiging tourist attraction din ito ng mga kumakain sa restaurants sa paligid nito. May times na kung maulap ang langit, hindi mo makikita ang Taal Volcano dahil nga mababa lamang ito at napapaligiran ng tubig.

As per report pang natanggap namin last Sunday, apektado rin ang dalawa pang Concha’s Cafe ni Alden dahil sa makapal na ashfall na bumagsak. 

Ang isa pa ay ang Concha’s Cafe sa Silang, Cavite at ang Concha’s Cafe sa Tagaytay Highlands. Nawalan na rin kasi ng electricity sa Tagaytay at iba pang karatig na lugar.

Kababalik din lamang ni Alden from Tokyo, Japan, pero dasal na lamang ang ginawa niya para sa kaligtasan ng lahat na apektado ng Taal Volcano eruptions.

Kahapon, Monday, nag-report na rin si Alden sa taping ng kanyang inspirational drama na The Gift for GMA Network. 

Ganito rin ang nangyari kahapon sa iba pang mga artista na may kanya-kanyang teleseryeng ginagawa, kasama na lamang ang pag-iingat dahil everywhere na ang inabot ng ashfall. Prayers for everyone’s safety.

Baby Ziggy pinanggigigilan ng casts ng DOTS

May work si Marian Rivera-Dantes, kaya naman ni Daddy Dingdong Dantes ang nag-aalaga sa bunsong anak nilang si Jose Sixto Dantes IV o si Ziggy. Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ni Dingdong sa set ng Descen-dants of the Sun.

Tuluy-tuloy kasi ang taping ng buong cast ng Philippine adaptation ng Korean drama dahil malapit na itong mapanood sa primetime telebabad ng GMA Network. Makakasama ni Dingdong sa cast sina Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith at marami pang iba. Kaya naman excited na ang fans na naghihintay na itong mapanood.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with