JD may takot sa pagiging sikat ni yorme

Masarap kausap ang 18-year old son ni Manila Mayor Isko Moreno na si JD Domagoso dahil wala itong hindi sinasagot na tanong, lalo na kapag tungkol sa kanyang ama.

Makikita mo sa mukha ni JD na masaya ito para sa kanyang ama na kilala bilang “Yorme” at kahit saan daw pumunta ang kanyang ama ay pinagkakaguluhan ito.

Ang maganda raw sa kanyang ama ay lahat pinagbibigyan niya, lalo na sa mga gustong magpa-selfie. But at the same, may pangamba si JD sa sobrang ma-PR ng kanyang ama.

“Nakakatakot in a good way. First, nakakatakot because, you know, papa is getting famous. People might just come and go close to you for bad reasons.

“Good way because when he got famous na, people are having more hope. May nababago sa Manila. Kaya palang gawin, di ba? Gulat ‘yong mga tao ‘no? Kaya palang gawin, kaya,” sey ni JD.

Bilib din si JD sa pagiging matiyaga at masipag ng kanyang ama sa pag-ikut-ikot sa Maynila kahit madaling-araw na. ‘Yan daw ang tinatawag na leader by example.

“Priorities. Laging may time. If you want tomorrow to change, you got to do something about today. ‘Yon ang palaging sinasabi ni Papa,” diin ni JD.

Kahit na kasama si JD sa All-Out Sundays, hindi pa rin niya pababayaan ang kanyang pag-aaral ng kurso niyang Business Entrepreneurship.

Wala pa raw munang gagawin na teleserye si JD dahil enjoy siya sa pagsasayaw sa All-Out Sundays.

“I enjoy dancing. Enjoy po ako sa All-Out Sundays because it gives me a chance to show my dancing skills. Sarap pong sumayaw.”

Katrina tuloy na ang laban sa Reina…

Tuloy na ang pag-compete ni Ka­trina Llegado sa naudlot na Reina Hispanoamericana pageant sa bansang Bolivia.

Na-postpone ang naturang pageant noong nakaraang November 9, 2019 dahil sa naganap na post-election violence sa naturang bansa.

Nasa biyahe na noon si Katrina nang sabihin na postpone ang pageant. Imbes na umuwi ay dumiretso ito sa pagbiyahe sa Canada kung saan nandoon ang kanyang pamilya.

Noong nakaraang January 4, 2020 ay ini-announce ng pageant camp ni Katrina na Aces & Queens via IG na tuloy ang pageant sa taong ito.

“The opening salvo for this year’s pa­geantry is Katrina Llegado (@katllegado) who will be competing in Reina Hispanoamericana from late January until February 8, 2020, in Bolivia.”

Nagsimula ulit sa kanyang training si Katrina para sa nalalapit na pageant. Wish ni Katrina na maiuwi nito ulit ang korona ng Reina Hisponoamericana na unang naiuwi ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

Adele idinispley ang bagong katawan sa beach

Pinakita ng British singer na si Adele ang kanyang bagong figure habang nasa bakasyon ito sa Anguilla kasama sina Harry Styles and James Corden.

Dumaan sa total transformation ang 31-year old singer who already lose 40 pounds.

Nakunan daw si Adele na nasa beach at suot ay flattering short black dress with matching scarf, necklace at earrings. Kitang-kita ang bonggang kurba ng katawan ni Adele.

Ayon sa Sun, sinubukan ni Adele ang Sirtfood Diet, which focuses on foods that increase certain proteins in the body that regulate the metabolism, inflammation, and more.

May personal trainer din si Adele na siyang nagbabantay ng kanyang daily exercise and diet.

Show comments