MMFF 2019 kumita ng P955 million!
Gorgy Rula (Pang-masa) - January 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — In-announce na ng MMDA sa pamumuno ni Chairman Danny Lim kasama ang General Manager ng MMDA na si Jojo Garcia at si Atty. Don Artes, ang Executive Chairman ng MMFF na mahigit P955-M ang kinita ngayong taon ng Metro Manila Film Festival.

Pahayag ni Chairman Lim sa presscon na ipinatawag nila sa MMDA office kahapon, “Ang nakaraang MMFF natin ay matagumpay kahit naapektuhan ng sunud-sunod na lindol na nangyari sa Mindanao at ng bagyo na dumaan sa Visayas and some parts of Luzon, pero maganda pa rin yung nakita nating suporta ng ating mga kababayan sa pelikulang Pilipino.

“So, yung gross receipts sales natin for the 2019 Metro Manila Film Festival ay mahigit 955 million pesos.

“It’s only 4.5 percent short of the target natin na 1B and lower than last year’s 1.060.

“Ang top four…in alphabetical order…hindi ito base sa ranking nila na sa gross sales ano?

“Ang Miracle in Cell No. 7, Mission Unstapabol: The Don Identity, The Mall The Merrier, and 3pol Trobol, Huli Ka Balbon.

“So, maganda yung resulta ng ating 2019, and we look forward the second series of the MMFF in summer.”

Napagkasunduan nilang hindi sila maglalabas ng figures at ranking ng topgrosser.

Pero kung gusto raw ng producers na ilabas kung magkano ang kinita ng kanilang pelikula, nasa kanila na raw iyun.

Pero ayon sa ilang sources na napagtanungan namin, umabot na raw ng P412-M ang kinita ng Miracle… ni Aga Muhlach at P320-M naman ang The Mall…ni Vice Ganda.

Malayo ang agwat ng pumangatlo na 3Pol Trobol ni Coco Martin na naka-P90-M at sumunod ang Mission Unstapabol ni Vic Sotto na naka-P72-M.

Hindi na nagbigay ang aming source ng figures kung magkano ang kinita ng last two movies, pero naka P22-M naman daw ang Sunod at P18-M naman daw ang Mindanao.

Ngayon ay pinaghahandaan na ang Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 11 hanggang 21. Sisimulan ito ng parada sa April 5 na i-host ng lungsod ng Quezon.

Ang Quezon City din ang host ng susunod na MMFF sa Pasko.

Ang dami na raw nila na natatanggap na letter of intent mula sa mga producers.

Kaya pinagbigyan nila ang pakiusap ng karamihan na kung puwede i-extend ang submission ng finished films. Kaya sa halip na sa January 31 ang deadline, gagawin na raw itong February 15.

Meron ding Student Short Film category na sa February 28 naman ang deadline nito.

“Itong ating Summer festival 2020, kung matatandaan nyo ang nag-initiate si Sen. Bong Go, ang nagrekomenda na pinayagan ng Execom.

“We’re hoping na sana makatulong sa industriya. We’re not expecting a billion sales definitely. Pero we’re expecting at least kalahati 500M…will really help the industry.

“Iyun naman talaga ang purpose namin talaga sa Metro Manila Filmfest to help the industry, itong pelikulang Pilipino,” pahayag pa ni Jojo Garcia.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with