Melanie ipinakilala ang anak sa ‘pagkakasala’

Umiral ang pagkataklesa ni Melanie Marquez kahapon sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga.

Kasama ni Melanie ang anak niyang si Mel Lapid na ipinakilala niya na anak niya raw sa pagkakasala, huh!

Eh open secret ang naging relasyon ni Melanie nung panahong action star pa si Senator Lito Lapid. That time kasi eh may asawa ang senador.

Kuwela ang guesting ni Melanie at nagamit niya ang pagsasalita niya ng English kahit may kamalian ang iba! Ha! Ha! Ha!

Bumagay naman kasi siya dahil ang kalahok ay mga lalaking kloseta ang pagiging bading. Sey ni Melanie tuloy, “Anak, dapat, ikaw ang pumili eh!”

Liza ginagamit ang pangalan sa prenup!

Nagulat si Liza Soberano nang magamit ang pangalan niya sa grupong Prenup Ideas. Nakalagay ‘yon sa litrato nila ng boyfriend na si Enrique Gil na magkayakap.

Agad itong nilinaw ni Liza sa nakaraang tweet.

“Hi guys, just to clear up some confusion. I don’t know anyone from the prenup ideas team. THL have never worked with them. Happy new year to you guys too!!!”

Samantala, nag-celebrate si Liza ng kanyang birthday habang nasa States. Dagsa ang bumati sa kanya.

“Thank you to all my lovely supporters out there in the Philippines who greeted me happy birthday,” tweet ni Liza kahapon.

Sa States nag-celebrate ng holidays si Liza kasama ang pamilya at si Enrique sa bagong bili nyang bahay.

Show comments