Miracle… nagpa-thanksgiving
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 4, 2020 - 12:00am

Everyone, Salve A., was in a gleeful mood sa thanksgiving blowout, ng kasalukuyang itinuturing na number one top grosser ng ongoing Metro Manila Film Festival (MMFF), Miracle in Cell No. 7, na ginanap sa bar cum restaurant na pag-aari ng singer na si Rico Blanco and located sa Ayala Malls sa Ortigas. Ang pelikula ay iprinodyus ng Viva Films at ni Aga Muhlach.

Yes, everyone, Salve A., lalo’t ang stars ng movie na sina Aga, Joel Torre, JC Santos, John Arcilla, Soliman Cruz, Jojit Lorenzo at child actress na si Xia Vigor ay pawang dumating.

Hindi nakarating si Bela Padilla na nasa Japan pa rin dahil doon siya nag-celebrate ng New Year.

Sa kaso ni Mon Confiado, kailangan niyang magpunta agad ng Cebu City dahil may sakit ang kapatid niyang nakatira doon.

Intact ang production staff and promo team, as they were earlier informed that Boss Vic del Rosario ay mamumudbod ng bonus, ‘di lang sa stars ng movie, kung hindi sa kanila rin.

As promised, walang umuwing luhaan sa lahat ng involved sa pelikula, which had Nuel Naval at the helm and scripted by Mel del Rosario.

Sa nabanggit na gathering, binanggit ni Mel na since binawian ng buhay three years ago ang isa sa paborito niyang direktor na si Wenn Deramas, nawalan na siya ng ganang gumawa ng script for the filmfest. She and direk Wenn daw were a team every MMFF.

Pero hindi raw siya nakatanggi kay direk Nuel nang sabihan siya nitong sulatin ang script ng Miracle… And she’s glad na she accepted direk Nuel’s request.

At the blowout, all of the members of the cast were given the chance to deliver a speech. Short man o otherwise.

Well, JC was given a big hand, when he revealed that it was Jojit Lorenzo, who inspired him to join showbiz.

Nasa high school daw siya nang makita si Jojit sa isang dula. Sobra raw siyang na-impressed sa performance nito kaya na-inspire siya na maging isang aktor din.

Ngayon, heto na ang siste. When it was Joel’s turn to deliver a speech, binuko niya si JC, that in another event daw, he cited him (Joel) as siyang naging dahilan ng desisyon niya na maging artista.

Didn’t JC’s face turn red dahil sa pambubukong ginawa sa kanya ni Joel?

Of JC, he is set to reunite with Bela Padilla sa kanilang third team-up, after 100 Tula Para kay Stella and The Day After Valentine.

Baka pang-Valentine release rin daw ng Viva Films ang bagong movie together na gagawin nina JC at Bela, na wala pang tiyak na titulo as of this writing at kung sino ang magdidirek.

Well, why not Bela, who had expressed the desire to turn director ang i-assign ng Viva Films na mamahala ng movie?

Indeed, why not? (Congrats Boss Vic and Aga. - Salve A.)

Kyle at Seth binata na agad

The stars to watch this year 2020 are JM de Guzman, Marco Gumabao, Tony Labrusca and young male talents ng Kapamilya na sina Kyle Echarri at Seth Fidelin.

Sina Kyle at Seth ay wala pang 18 years old. Ganunpaman, binatang-binata na pareho ang kanilang dating.

Both are star materials, too.

Coco inaantay pa rin aminin si Julia

Ask lang ng marami kung kailan magkakaroon ng guts si Coco Martin to tell the truth about him and Julia Montes?

At totoo bang nanganak si Julia, kaya medyo natatagalan ang pagbabalik showbiz niya?

There’s nothing wrong in having a child, ‘di ba, Salve A?. Puwede pa ngang ituring itong blessing. (Ay naman tita.  Happy New Year. - Salve A.)

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with