Alden pasok sa kapalit ng Sunday Pinasaya

Nag-pictorial na si Alden Richards para sa bagong musical variety show ng GMA Network, ang All Out Sunday. Ito ang papalit sa Sunday PinaSaya na magtatapos na ang airing sa December 29.  Apat na taon din silang nagpasaya sa mga televiewers tuwing Linggo, 12:00 noon to 2:30 p.m.

Kaya inihayag ni Alden ang lubos niyang pasasalamat sa apat na taong naging bahagi siya ng Sunday musical variety noontime show.  Isa si Alden sa mga host ng show na pinangunahan nila nina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Julie Anne San Jose, kasama ng iba pang Kapuso stars. 

Produced ito ng APT Entertainment for GMA Network. Nagsimula ito nang mabuo ang AlDub o ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza in 2015, at madalas mag-guest doon si Maine.

“It’s been a good run for Sunday PinaSaya (SPS) na pinasaya ang ating mga Linggo,” sabi ni Alden. “SPS changed the whole idea of a Sunday show para sa ating mga televiewers.  Dahil diyan labis ang pasasalamat natin sa APT Entertainment at sa GMA Network para magpakita tayo ng new concept sa show.

“Salamat din na naging supportive ang masa natin sa comedy concept ng SPS dahil nasanay na ang mga manonood sa mga musical variety shows tuwing weekend.  Sabi nga, suntok sa buwan ang pagbuo ng bagong concept.  Hindi lamang pala basta sayaw at kanta ang gusto nila.  Gusto rin pala ng mga viewers ang comedy, habang may performance.”

Ngayong Sunday at sa December 29, ay pre-taped na ang show.

Nabanggit na rin ni Alden na patuloy pa rin ang saya tuwing Linggo, ngayon naman ay sa panibagong programa na All Out Sunday, na magpapatuloy ng legacy na sinimulan ng Sunday PinaSaya.

Balitang papasok sa bagong show ang mga nanalo sa katatapos na dalawang season ng The Clash. Kaya expect a big production number sa opening nila sa Jauary 5, 2020.

Bukas, December 22, ang alis ni Alden kasama ang Daddy Bae niya at mga sisters na sina Riza at Angel for South Korea Christmas vacation nila.

Carla at Tom sa bakasyon muna magkasama bago mag-trabaho

Todo-abang na ang fans ng real sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa muli nilang pagtatambal sa family drama series nilang Love of My Life.

Matagal-tagal na rin kasing walang teleserye si Carla at kung meron man si Tom, hindi naman si Carla ang katambal niya. Isa ang kanilang serye sa pasabog ng GMA Network sa pagpasok ng 70th anniversary nila sa 2020. Makakasama nina Tom at Carla sina Rhian Ramos, Mikael Daez at si Ms. Coney Reyes.

Kaya magkasama munang magsi-celebrate sina Tom at Carla ng Christmas together with their family.  Sa US muna sila pupunta para makasama ang family ni Tom at sa Bali, Indonesia naman sila bibyahe after sa family ni Carla.

Pagbalik nila pagkatapos ng Holiday Seasons, sabak na sila sa taping ng serye.

Show comments