Gretchen
Gretchen at Tony, silver anniversary na sana kung ikinasal!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 16, 2019 - 12:00am

Twenty five years na rin pala sila Tony Boy Cojuangco and Gretchen Barretto.

Ayon sa post ni Gretchen kahapon: “25 years with my Tony (dada)  counting & he still takes photos of me while im sleep. Yes, I sleep before him & wake up way after he does the cute boy next to me is our baby son, harlow> Dada and & I sleep on a cushion so harlow can join us #doglover Rise & shine it’s a beautiful day,” caption ni Gretchen habang nakahiga pa sa sinasabi niyang cushion kasama ang ‘anak’ nila ng negosyante.

Kung kasal sila, silver anniversary na pala sana nila.

Ganun lang kabilis ang panahon nang talikuran ni Gretchen ang showbiz career at makipag-live in sa negosyante.

Nagkaanak sila na balitang may work na sa Amerika, pero walang naganap na kasalan sa kanilang pagsasama na naka-25 years na pala..

In all fairness ay walang nakapag-comment sa post na ‘yun ni Gretchen.

Naging maingay ang pagsasama nila recently lang dahil nga sa nangya­ring gulo sa wake ng tatay ni Gretchen na si Mr. Miguel Barretto kung saan nadawit ang pangalan ng kanilang kaibigang si Atong Ang.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with