^

Pang Movies

Jolo at Angelica nagpa-civil wedding na!

Gorgy Rula - Pang-masa
Jolo at Angelica nagpa-civil wedding na!
Jolo at Angelica

MANILA, Philippines — Pagdating na pagdating ko nung Sabado, December 14 ng gabi dito sa Los Angeles, California, kaagad na pinaderetso ako ng The Cannery Seafood Restaurant sa Newport Beach, California na kung saan may welcome party para sa mga guest na dadalo sa pag-iisang dibdib nina Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita.

Simple lang ang dinner na dinaluhan ng pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Naabutan kong nagti-table table na ang ikakasal at masayang iniistima ang mga bisita.

Halatang nahihiya pa rin si Angelica, at parang naaalangan pa siyang lumapit sa ilang miyembro ng pamilya ni Jolo.

Ipinakilala ni Mayor Lani sa mga kapatid niya si Angelica na parang nahihiya pa talaga.

Ipinakilala naman ni Angelica ang tatlong kapatid niya na maghahatid sa kanya sa kasal.

Hindi pala sumama ang Mommy niya dahil hindi raw pala ito umaalis ng Mindoro.

Kitang-kita namang masayang-masaya si Jolo na wala kang nakikitang stress, kundi sobrang excitement sa kanilang kasal kinabukasan.

Tumanggi si Jolo na magpa-interview dahil mas gusto sana niyang tahimik lang.

Ilan sa mga nagkumpirmang ninong at ninang na dadalo ay si Mayor Inday Sara Duterte, Sen. Sonny Angara, Cong. Martin Romualdez at ilang miyembro ng pamilya nina Jolo at Angelica.

Bago ang dinner ay nagkaroon muna sila ng civil wedding at kinabukasan ang kanilang Christian wedding na gaganapin sa Pelican Hill, Newport, California.

vuukle comment

ANGELICA ALITA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with