^

Pang Movies

Nadine nahawa na sa pagiging ‘tamad’ ni James

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nadine nahawa na sa pagiging �tamad� ni James
Nadine

Ligwak na sina James Reid at Nadine Lustre sa unang plinanong pelikula na balik-tambalan nila, ang Philippine adaptation ng pelikulang Spellbound, ang 2011 South Korean horror, romantic-comedy.

Pinalitan ang real couple bilang leads nina Bela Padilla at Marco Gumabao.

Inilabas na ng Viva Films ang pictures sa naganap na story conference ng pelikula na ididirek ni Thop Nazareno.

Sa totoo lang, ito ang second movie ni Bela bilang kapalit ni Nadine. Unang tinanggihan ni Nads ang festival movie na Miracle In Cell No. 7 at si Bela ang naging kapalit niya, huh!

Nahawa na yata si Nadine sa kawalan ng gana ni James sa paggawa ng pelikula kaya malamang eh inayawan niya rin ang Spellbound.

Cesar Apolinario at movie produ na si Mike Miranda, yumao na

Death anniversary ngayong araw ni Fernando Poe, Jr.

Ayon sa anak na si Senator Grace Poe, magkakaroon ng misa ngayong umaga sa puntod ni Da King sa North Cemetery.

Inaasahan din ang pagdalo ni Susan Roces, at fans ng yumaong aktor.

Samantala, malungkot ang GMA News and Public Affairs kahapon dahil sa pagpanaw ng broadcast journalist na si Cesar Apolinario. Bukod sa pagi­ging TV reporter-host, nagdirek na rin ng ilang movies si Cesar.

Kanser sa lymphoma ang rason ng pagkamatay ni Cesar. After lumabas ang balitang patay na si Cesar, kasunod nito ang report na namatay na rin ang da­ting movie producer na si Mike Miranda ng Double M Films.

Ang amimg pakkiramay….

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with