^

Pang Movies

Juday at Aga ayaw mag-expect ng award sa MMFF

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Juday at Aga ayaw mag-expect ng award sa MMFF

Kung ang pagbabatayan ay ang mga usapan lang, dahil hindi pa naman napapanood ng publiko ang kanilang pelikula, marami na ang humuhula na magiging Best Actress daw si Judy Ann Santos, at magiging Best Actor naman si Aga Muhlach sa darating na Metro Manila Film Festival.

Ang batayan nila sa sinasabi tungkol kay Juday ay ang pananalo niya ng ganun ding award sa isang international film festival. Mayroon na rin namang ibang nakapanood ng pelikula ni Juday dito at nagsabing mahusay nga ang kanyang acting sa pelikula. Ganoon pa man ayaw ni Juday na masabi ang ganoon. Mahirap nga naman. Masyadong matindi ang pressure.

Sa kabilang banda, ganyan din ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Aga. Ang unang batayan, ang Miracle on Cell No. 7 ang pelikulang masasabi mong ang bida talaga ay ang leading man. Sa character ng leading man naka-focus ang buong kuwento.

Ikalawa, sino ba ang magsasabing hindi magaling na actor si Aga na dalawang ulit nang naging Best Actor sa MMFF.

Pero gaya rin ng iba, ayaw ni Aga na sabihing mananalo siya ng award. After all sinasabi nga niyang hindi naman ang award ang dahilan kung bakit niya ginawa iyong pelikula. Gusto lang niyang makasali itong pelikula sa festival.

Matindi nga naman ang pressure eh basta inasahang ikaw ang mananalo. Kaya nga dinaan pa iyan sa biro ni Aga, sinabi niyang kung siya ay mananalo, magpapa-party siya talaga. Pero biro lang iyon ni Aga, kaya nga tawa siya nang tawa noong sinasabi niya iyon.

Mahirap talagang pangunahan ang desisyon ng mga hurado sa festival. Hindi natin alam kung sino nga ba ang jurors nila na karaniwang ipinakikilala lamang kung awards night na. Hindi rin naman natin masasabing pare-pareho ang choices ng mga tao, o maaaring maimpluwensiyahan ng panalo sa ibang festival ang desisyon ng mga juror. Kaya dapat talaga hintayin na lang natin.

Alam naman ninyo ang MMFF, kung minsan maraming desisyong tatanungin mo rin kung bakit.

Bea hindi nakalimot kay Miko

Nang mamatay si Miko Palanca, ang isa sa mga nabanggit agad ay naging boyfriend din siya ni Bea Alonzo. Pero matagal na iyon at hindi naman masasabing ang kanilang split ang dahilan ng depression ni Miko.

Pero ibang klase talaga si Bea. Sa pamamagitan ng isang social media post, ipinaabot niya sa mga kaanak ni Miko ang kanyang pakikidalamhati sa nangyari. Hindi lang iyon, may nakapansin na nagpadala rin ng bulaklak si Bea para kay Miko.

Mabuting tao talaga eh, kaya laging good karma.

Aktor parang pastor kung magsalita

Akala mo isang pastor kung magsalita ang isang male star. Nagkukuwento ba siya o nangangaral tungkol sa pagpapatawad? Pero ewan kung bakit parang walang naniniwala sa sinasabi niya, ganoong tama naman in principle.

Ang sinasabi naman kasi ng iba, hindi sapat na magpatawad ka lang o humingi ka ng tawad. Ang dapat ay gumawa ka naman ng mga hakbang para maituwid kung ano man ang nagawa mong pagkakamali. Kasi kung hindi, balewala ang paghingi mo ng tawad. Bale wala rin naman ang pagpapatawad mo.

Mapapatawad ka ba naman kung ganoon pa rin ang ugali mo?

vuukle comment

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with