Aga
Aga break muna sa pag-a-abroad
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, for the past 12 years pala ay sa ibang bansa nagki-Christmas break si Aga Muhlach, ang misis niyang si Charlene Gonzales at mga anak na sina Atasha at Andres, pero this year nga dahil may official movie entry siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, wala muna silang biyahe abroad.

Usually raw, November to February ay nasa ibang bansa sila, pero busy nga siya sa promotions ng Miracle In Cell No. 7, kaya magki-Christmas sila ngayon sa bansa.

Naaliw ako kay Aga nang magkita kami sa presscon ng Miracle In Cell No. 7 dahil hindi niya ikinakaila ang sobrang tuwa niya na hanggang ngayon ay nakakapagbida pa rin siya sa pelikula.

Sinabi nga ni Aga na akala niya ay wala na talaga, pero mas nadagdagan pa nga ang projects niya ngayon.

Marami nga pala ang nagsasabing naniniwala sila na siya ang mananalong Best Actor sa MMFF 2019 Awards Night dahil ang galing-galing ng akting niya.

Sa trailer pa lang ng pelikula ay mapapalakpak ka na sa galing ni Aga, huh!

Eh, graded A pa by the CEB (Cinema Evaluation Board) ang Miracle In Cell No. 7, kaya puwede talagang manalong best actor si Aga, ‘noh?!

‘Katuwa nga pala si Aga dahil nang katsikahan ko siya ay niyakap at hinalikan pa niya ako sa tuwa dahil matagal na kaming hindi nagkikita. Mabuti na lang friends kami ng misis niya, kaya walang malisya ‘yon sa akin. Charing! Hahaha!

Apelyido nina Carmina at Bianca laging namamali 

Pansin mo ba, Ateng Salve, madalas na may mga nagkakamali sa spelling ng surname ni Carmina Villarroel?

Marami akong nakikita na single R lang ‘yon, huh!

May ibang mga nagkakamali talaga like ‘yung surname rin ni Bianca Gonzalez, maraming ang akala ay Gonzales ang tamang spelling, pero mali nga.

Noong baguhan din sa showbiz si Rufa Mae Quinto ay marami siyang pelikula na ang spelling ng name niya ay Ruffa Mae, ‘kaloka!

Nagkakamali yata dahil may Ruffa Gutierrez nga na double F ang spelling ng name.

Natatandaan ko pa nga noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz ay may isang TV host na talagang pagkalakas-lakas na binanggit ko ang buong pangalan ko.

“Hello, Jun Laling!”

‘Kaloka. Pero in fairness, hindi naman ako natatawag na Jun Lalim, huh! Hehehe!

I’m sure, Ateng Salve, may iba rin na nagkakamali noon at natatawag kang Salve de Asis, huh!

Naku, bigla ko tuloy naalala ang isang aktres na madalas na magkamali noon kapag may mga nagpapirma sa kanya.

Eh, bago pa lang yata siyang nagka-checkbook, kaya nang papirmahin siya ng kanyang alalay para sa check na i-issue nila, nilagyan niya ‘yon ng, “Love” bago ang pirma niya. Akala yata niya ay pumipirma siya ng autograph para sa mga fan, huh!

‘Yun na!

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with