Sarah pamilyang-pamilya na kila Matteo

Sarah at Matteo

Present si Sarah Geronimo sa tinatawag na despedida de soltera ng sister ng fiancée na si Matteo Guidicelli, si Georgia, nitong nakaraaang linggo.

Eh, maid of honor din si Sarah sa kasal ng kapatid kay Ian Dato, kaya nandoon siya.

Ibinahagi ng AshMatt fans sa Instagram ang pagharana ni Matteo sa soon to be couple. Nagtapos ang party sa karaoke at nakitang kinantahan din ang magiging asawang si Sarah.

Malaya na talagang sumama si Sarah kay Matteo nang wala nang kasamang magulang, huh!

Gazini at Michelle inaabangan kung sino ang makakapag-uwi ng korona

Inaabangan kung sino kina Michelle Dee at Gazini Ganados ang mag-uuwi ng korona sa international beauty pageant na lalabanan.

Target ni Michelle ang korona ng Miss World sa London habang si Gazini ay hangad masundan ang yapak ni Catriona Gray, ang reigning Miss Universe.

Lumipad na patungong London si Melanie at asawa para suportahan ang anak.

Naging supportive naman si Catriona kay Gazini habang nasa activities kaugnay ng pageant.

Ang panlaban sa pagrampa ni Gazini ay tinawag niyang Phoenix walk.

Pagdating sa question and answer portion, gusto niyang gamitin ang Visayan dialect sa pagsagot, huh!

Show comments