Bianca at Win, inilantad ang anniversary!

Bianca at Win

Kelan kaya ang kasalan?

Anniversary nga ba nina Sen. Win Gatchalian and Bianca Manalo?

Nag-post uli kasi si Bianca ng holding hands photo nila ng senador kahapon na may caption na: “Imagine being loved the way you love. ”

Actually pareho silang nakatalikod sa photo pero nag-comment ang senador ng “Laki ng tiyan ko.” Na sinagot ni Bianca ng “nakatalikod naman.. ”

Hindi official ang nasabing account ng senador, parang fan page lang.

May ibang account siyang official.

Isa naman sa nag-congratulate sa kanila ay si Ms. Tootsy Angara na wife ni Sen. Sonny Angara.

So kelan kaya magiging magka-amiga sa senado sina Ms. Tootsy at Bianca?

Habang visible na ang relasyon nila sa IG account ng former beauty queen, hindi naman nag-a-upload ang senador ng photos na magkasama sila.

Zia nina Dingdong at Marian nagpa-unicorn sa eskuwelahan

Nagpa-advance birthday blowout na si Zia Dantes sa kanyang classmates the other day .

Four years old na si Zia sa November 23 pero kahapon posted na sa Instagram story ng kanyang mommy Marian Rivera ang kanyang Unicorn celebration with her classmates.

Advance happy birthday Zia.

Bea nakaka-move on na kay Gerald

Lumusot naman kahit paano ang tanong kay Bea Alonzo kung naka-move on na siya sa ghosting issue sa kanya ni Gerald Anderson.

“Hindi kailangang patunayang magka-dyowa ka para maka-move on!” sagot ng Unbreakable actress kahapon sa presscon ng pelikula nila ni Angelica Panganiban na Unbreakable na showing na sa November 27.

Ingat na ingat kasi ang marami na matanong ito tungkol sa matagal na pinag-usapang intriga sa kanila ng ex BF.

Si Angelica naman ay sinabing pahinga muna siya sa pakikipag-dyowa.

Anyway, si Richard Gutierrez ang leading man nila sa pelikula under Star Cinema.

Show comments