Rhen
Rhen hindi nakayang tapusin ang sariling pelikula
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

Opening na today, November 20, ng mapangahas na pelikulang kathang-isip ni director-scriptwriter Yam Laranas at sa direksyon naman ni Roman Perez Jr., ang Adan na tampok si dating beauty queen Cindy Miranda at Viva Artist Rhen Escano. Kasama rin sa cast sina Bembol Roco at Epy Quizon.

Natupad ang wish ni Direk Yam na mabigyan ng R-16 rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang movie para maipalabas ito sa cinemas. 

Ayon sa mga nakapanood na ng movie, mukhang gustong ibalik ng Viva Films at ng Aliud Entertainment ni Direk Yam, ang ganitong uri ng pelikula, na nauso ilang taon na ang nakaraan. Mas malakas daw ang loob ni Cindy na tapusin ang movie. Si Rhen ay lumabas daw sa press preview dahil sa naramdamang kaba at papanoorin na lamang niya sa premiere night na ginanap last Monday evening. Kahit daw ang finale ng movie ay unexpected.

Damaso palabas na rin

Kasabay namang magbubukas today ng Adan ang musical-movie na Damaso na dinirek ni Joven Tan. Nagustuhan namin ang mga inawit sa movie ng mga lead characters na pawang original compositions ni Direk Joven din.

Co-production venture ng Reality Entertainment at Regis Film Productions ang Damaso na pinagbibidahan nina Arnell Ignacio as Damaso, Jin Macapagal as Crisostomo Ibarra, Riva Quenery as Maria Clara, Vina Morales as Sisa. Ejay Falcon as Elias at sina Aiko Melendez, Marlo Mortel, Ketchup Eusebio at Nyoy Volante ang mga bumubuo sa production na gagawa dapat ng modern Damaso.

Sana ay maging interesado ang mga student na nakabasa na ng Noli Me Tangere na sinulat ni Dr. Jose Rizal, na pinagkuhanan ng story ng Damaso.

Prima Donnas mas kaabang-abang!

Nakakatuwa ang reactions ng netizens na sumusubaybay sa Afternoon Prime Drama series na Prima Donnas na tampok sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili at ang tatlong Donnas, sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo at si Elijah Alejo na gumaganap na anak ni Aiko na nagpanggap na siya ang anak ni Wendell.

Kaabang-abang ngayon kung ano ang gagawin ni Aiko kung dumating na ang mga Donnas at tanggapin naman kaya sila ni Chanda Romero? 

Sa direksyon ni Ms. Gina Alajar, masaya ang cast at production dahil sa magandang response sa kanila ng televiewers.

RHEN ESCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with