Dulce
Dulce naglabas ng saloobin sa senador na pinagtrabahuan ng mister
Gorgy Rula (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagal munang nag-isip si Dulce nang tinanong ko siya tungkol sa ipinost niya sa kanyang Facebook account tungkol sa pinag­daanan ng asawa niya nang nagtrabaho ito sa isang senador na may pinagdaanan din ngayon.

Wala siyang binanggit na pangalan, pero alam naman kung sino ang tinutukoy niya.

Nagkaroon kami ng pagkakataong makapanayam siya sa nakaraang mediacon ng concert ng Bida Man runner up na si Jiro Custodio, ang The Greatest Show at Cuneta Astrodome na nakatakda sa November 23.

Sabi ni Dulce, ipinost daw niya iyun para sa kanyang asawa na kamag-anak pala nitong senador na ito.

Pahayag ni Dulce; “Ang iniingatan ko diyan yung husband ko, siya rin ang inaalala ko. Kasi sila yung nagkaroon ng ganun. Ako…naging reaction ko lang yun dahil matagal ko na kasing naipon. Matagal ko na kasing sinuffer yun.”

Natigil siya sandali, at patuloy nito; “Nun kasing pumutok na, nandiyan na lahat kasi marami nang sinasabi, parang dinugtungan ko na lang para kumbaga, in-agree ko na lang yung iba na totoo meron talagang nangyayari at nag-suffer kami, nadamay ang pamilya in terms of kunwari sa trabaho niya biglang tinerminate siya na wala kaming alam, walang abiso.

“Punta kami nang punta, harapin at kausapin ano ang ibigay na reason, wala. Siyempre, ikaw man hanapan ka ng sagot sa mga tanong bigla kang talagang itsapuwera ka. Siguro naging emotional lang ako about it.

“Actually, my husband was made me stop…ayaw na nga niyang ikonek ang pangalan na kamag-anak niya yun sad to say. Kasi, parang siguro inaalala niya baka isipin ng tao na ganun din tayo, hindi naman.

“Hindi naman komo kasalanan ni Pedro, kasalanan ni Juan hindi ganun. It doesn’t follow because kamag-anak mo, ganun ka. Hindi naman kailangan ng ganun kasi alam ko,” dagdag niyang pahayag.

Nagbigay daw ng kotse at condo baguhang aktres na si Cindy itinangging may dyowang super yaman!

Nagsisimula pa lang sa pag-aartista ang dating beauty queen na si Cindy Miranda pero may mga nakakarating na sa aming kuwentong hawak daw ito ng isang napakayamang businessman.

Natsismis din siya sandali sa isang kilalang pulitiko, pero iba naman pala dahil ayon sa naririnig namin, isang napakayamang businessman daw ito na siyang nagbigay sa kanya ng mamahaling kotse at kaya nakatira siya ngayon sa isang sosyal na condo sa Greenhills.

“Wow really! Sino pong mga ito?” bulalas ni Cindy nang nakatsikahan namin nung nakaraang Sabado sa Gateway Platinum pagkatapos naming panoorin ang launching movie nila ni Rhen Escano na Adan.

“Parang narinig ko rin po ang isyu na yan. Sabi ko, grabe naman.

“Hindi naman po totoo yan. Wala naman pong that guy na super yaman,” depensa niya sa isyung ‘yun.

Totoong may kotse raw siya, nakatira sa condo na iyun sa Greenhills, pero hindi raw bigay iyun ng mayamang dyowa.

Inamin ni Cindy na kabi-break lang niya sa kanyang long-time boyfriend na dun namin nalamang ang Kapa­milya actor pala na si David Chua.

“I came from a seven-year relationship,” pakli niya.

“After graduating college, nagka-boyfriend po ako. We broke up, this year lang po.

“We decided na I think maybe it’s time na magsarili kaming dalawa.

“Pero nung nag-decide ako maki­paghiwalay sa kanya, it’s because I want to have a better career.

“Gusto ko mag-focus. Gusto ko sarili muna ang alagaan ko. Gusto kong tuparin lahat na pangarap ko.

“That’s seven years. Imagine mo 20 years old ako nun, ngayon 27 na ako.

“Seven years ng buhay ko, I was with that person,” saad pa ng bida ng Adan na magsu-showing na sa November 20.

Dinamdam daw niya ang hiwalayang iyun, at sinabi raw niya sa sarili na kung sakaling pumasok siya sa panibagong relasyon, gusto raw niyang hindi na itatago.

“I think kung magmahal man po ako, sasabihin ko.

“Kasi from a seven years relationship na hindi ko masabi sa mga tao…kasi bawal. Kasi artista po siya.

“Sabi ko the next time na magkarelasyon ako, sana proud siya sa akin at proud din ako sa kanya.

“Iyung ready siya, ready rin ako na sabihin sa buong mundo na kami.

“Actually, puwede na po ako mag-asawa eh. 27 na po ako.

“Kung magkarelasyon po ako bakit ko itatago ulit?

“I’ll see to it po na ang magiging next boyfriend ko ay ipagsigawan ko sa buong mundo,” sabi pa ni Cindy na pinagdiinang single siya ngayon at wala siyang dyowang napakayaman.

DULCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with