Dra. Vicki, Hayden at Scarlet sa ibang bansa magpa-Pasko

Hayden, Vicky

May duda ako na magdiriwang ng Pasko ang Kho family sa ibang bansa dahil November pa lang, ipinadala na agad sa akin ni Dra. Vicki Belo ang Christmas gift niya.

Ang aga na nagbigay ni Vicki ng Christmas gift dahil halos middle of November pa lang, natanggap ko na ang regalo ng pamilya niya.

Ever since, thoughtful talaga si Vicki kaya bountiful din ang mga biyaya na dumarating sa kanya dahil she loves sharing.

May charity si Vicki para sa mga bata na every year, palaki nang palaki. Halos lahat ng mga bata sa buong Pilipinas na may bingot,  siya ang pinupuntahan para maayos ang sira na bahagi ng kanilang mga mukha.

Thank you Dr. Hayden, Vicki at Scarlet sa Gucci bag na gift n’yo sa akin na may kasama na red envelope.Bongga!

Descendants… ginastusan ng todo!

Inilabas na ng GMA 7 ang teaser still photos ng ilang mga eksena ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun.

Base sa pictures na nakita ko, malalaki at talagang ginastusan ng Kapuso Network ang upcoming television series na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

May feeling nga ako na mas bongga ang mga eksena ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun kesa sa  original Korean version.

Excited na ang stars ng Descendants of the Sun na ipalabas sa primetime slot ng GMA 7 ang kanilang show na pinaghihirapan at pinagpupuyatan nila.

All star cast ang Pinoy version ng Descendants of the Sun dahil kasama rin sina Renz Fernandez, Andre Paras, Rocco Nacino, Jasmine Curtis Smith at marami pang iba.

Sarah masuwerte kay Matteo

Kalat na kalat na ang balita na magpapakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa susunod na taon matapos ang kanilang revelation na engaged na sila.

Parehong nasa legal age na sina Sarah at Matteo kaya may kapasidad na sila para bumuo ng pamilya. Stable na rin ang kanilang mga showbiz career.

Marami ang boto kay Matteo para maging asawa ni Sarah. Edukado, mabait, masipag at marespeto si Matteo. Ang mga katulad niya ang tipo na magiging responsible husband and father. Lucky talaga si Sarah dahil si Matteo ang mapapangasawa niya.

Alden active na ulit sa Bulaga

Natuwa ang fans ng Eat Bulaga nang makita nila na kasama si Alden Richards sa Dubai show ng Dabarkads.

Sa totoo lang, nangungulila na ang fans ng Eat Bulaga dahil matagal nang hindi napapanood si Alden sa noontime show ng GMA 7.

Mula nang mag-taping si Alden para sa The Gift, hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga, pati na sa Sunday Pinasaya.

Ang wish ng fans, bumalik na si Alden sa mga show na sinusuportahan nila para makumpleto ang kanilang pano­nood. Nasanay na kasi sila na regular na nakikita si Alden sa Eat Bulaga at sa Sunday Pinasaya.

Show comments