Jinkee at Anne kinaiinggitan ng mga adik sa K!

Ji Chang Wook, Jinkee Pacquiao

Inggit much ang Korean stars fanatics kina Jinkee Pacquiao at Anne Curtis dahil talagang nagawa nilang ma-meet ang kani-kanilang favorite K-stars at makapagpa-picture na as we all know ay napakahirap ma-achieve ng isang ordinary fan.

Si Jinkee na matagal nang fan ni Ji Chang Wook ay nagpadala ng coffee truck last Oct. 30 sa set ng Melting Me Softly na current drama ng K-actor. Not only that dahil binisita pa ng Pacquiao family ang aktor sa taping sa South Korea kasama siyempre ang ating boxing champ na si Manny Pacquiao.

Makikita sa posts ni Jinkee sa Instagram ang videos and photos nila kasama si Ji Chang Wook while on the set. Sa larawan ng food truck ay makikita sa banner ang mga katagang “Jinkee Pacquiao Ji Chang Wook forever.”

Makikita naman sa video ang picture-taking nila ni Manny at kanilang mga anak na kasama si Ji Chang Wook.

Ang maganda pa rito, si Ji Chang Wook ay fan din ni Pacman at makikita nga sa video na ang K-actor pa ang humi­ling na makapagpa-picture sa ating boxing champ.

Not only that dahil nag-post din si Ji Chang Wook ng larawan nila ni Pacman with the other cast of Melting Me Softly sa Instagram account niya na may caption in Korean na nagsasaad na binisita raw siya sa set ni Pacquiao. Nakalagay din sa caption ang “thanks @mannypacquiao.”

Makikita rin sa larawan na binigyan ni Pacman ng autographed boxing gloves si Ji Chang Wook.

Ipinost din ng Korean actor sa kanyang Instagram Story ang larawan ng food truck na ipina-deliver ni Jinkee at sa caption, he wrote, “thanks.”

Samantala, that same night, halos ganito rin ang nangyari kay Anne na matagal na ring fan ni Gong Yoo. Finally, for the first time ay na-meet niya ang Train To Busan actor sa opening ng Louis Vuitton Maison store sa Seoul, SoKor kung saan invited sila pareho.

Ang Preview Magazine ang unang naglabas ng larawan at video ng pagkikita nina Anne at Gong Yoo. Makikita sa vid na nagkakamay silang dalawa at sey ng aktres, “hi, nice to meet you.” At pagkatapos ay nagtsikahan muna sila nang kaunti bago nag-pose sa photographers. Dahil maingay ang paligid, hindi masyadong naririnig ang kanilang tsikahan.

Caption ng Preview.ph sa video na ipinost nila sa Instagram,  
“SO THIS JUST HAPPENED? @annecurtissmith finally meets #GongYoo at the @louisvuitton Maison launch in Seoul! Stay tuned for exclusive updates from the event!”

Pero kinabog ni Anne si Jinkee dahil hindi lang si Gong Yoo ang na-meet ng aktres sa event kung hindi maging ang bias (fave) niyang member ng EXO (sikat na boy group sa Korea) na si Oh Se Hun.

May mga larawan sina Anne at Sehun na nag-viral din sa internet.

Kaya naman inggit na inggit ang   fans ng dalawang K-stars dahil sa isang gabi lang ay nagawa ni Anne na makasama ang mga ito without much effort.

Yen payag sa lesbian movie

Sa presscon ng Two Love You last Wednesday ay naaliw ang lahat sa tanong sa isa sa bidang si Yen Santos kung okay din ba siya kung lesbian naman ang kanyang makakasama since puro gays nga ang kasama niya sa nasabing movie.

“Pangarap ko nga pong magkaroon ng lesbian movie, eh,” sagot ni Yen.

Ang follow-up na tanong, sino ang gusto niyang maka-sex sa movie – si Aiza “Ice” Seguerra o si Jake Zyrus?

“Kahit sino po, basta maganda po ang materyal,” game namang sagot ni Yen.

Isa pang tanong sa aktres ay kung nakaranas na siyang umibig sa tomboy.

“Hindi pa po,” sagot naman ni Yen.

Wala ring nanligaw sa kanya na lesbian?

“Wala pa po,” sey niya.

Pero seriously, noon pa sinasabi ni Yen na wala raw talagang bakla, tomboy pagdating sa pag-ibig at lahat ay pantay-pantay. Nabanggit na rin niya before na pwede siyang ma-in-love sa gay basta responsable ito at mabuting tao.

Show comments