Arci aminado sa kabaliwang ginawa sa Korea

Arci

Iba rin ang pagka-K pop faney ni Arci Muñoz.

Kesehodang matulog siya sa kalsada at pumila ng five hours, ok lang sa kanya basta makita ang kinababaliwan niyang K Pop group na BTS.

Sa kanyang IG post kahapon ay kinuwento niya na wala silang tulugan makapanood lang sa “Love Yourself: Speak Yourself” world tour ng BTS na naganap sa Seoul. 

“Crazy things you’ll do for the love of em’ boys. so... we waited in line for 5hrs in the open cold nakaupo sa cemento since 5:30am waiting for the house of bts to open at 10am!!! Yes natulog kami sa kalsada. Actually di ako natulog. Haha til’ now di ko maimagine mga pinag gagagagawa ko for them. Pero masaya pa din ako. Di ko maexplain. And to think I was restless even before my trip to korea. When I got there diretso na sa house of bts but it was all worth it!!!! #bts #houseofbts #army#boywithluv,” kuwento pa ni RC.

Nagsimula ang BTS ng kanilang world tour sa US, Brazil, the UK, France, Japan, Saudi Arabia at ang finally nga ay sa Korea.

Wow, bukod siyempre sa pagod, expensive din ang concert ticket ng pinaka-sikat na K pop sa buong mundo.

Grabe ano nga bang assignment ngayon ni RC aside from Pamilya Ko?

Zia laging winner ‘pag Halloween

Ang cute-cute ni Zia Dantes sa kanyang Halloween costume na posted sa IG ng daddy Dingdong Dantes niya kahapon.

 “Hmmp, Daddy you’re gonna work again?!”
#MariaLetizia #Halloween2019”

Siya si Red Princess ng pelikulang Alice in Wonderland kaya naman dagsa na naman ang mga pumupuso sa nasabing post ng actor.

Trending nga sa social media lahat ng post nina Marian Rivera at Dingdong kay Zia. Darling na darling siya ng netizens.

Show comments