^

Pang Movies

Aga nabitin, gustong ulitin ang love scene kay Alice!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Aga nabitin, gustong ulitin ang love scene kay Alice!

“It was so well done,” ang deskripsyon ni Alice Dixson sa love scene nila ni Aga Muhlach sa pelikulang Nuuk. “Gusto ko. Ulitin natin,” sabi pa ni Alice kay Aga sa presscon ng pelikula kaya tawanan ang press.

Sabi naman ni Aga, “kulang nga, eh.”

Sagot naman ni Alice, “kulang ba? Ulitin natin.”

Paliwanag ni Aga, compared sa ibang pelikulang nagawa niya or ng ibang artista, parang nakukulangan daw siya sa love scene nila ni Alice.

“Dapat it’s even more. But again, the movie’s not about the love scenes. It was just a ganu’n, di ba?

“Pero kulang nga. Parang ‘yun na ‘yun?” dagdag pa ni Aga.

Dagdag pang description ni Alice, passionate naman daw ang lovescene nila.

“It was tender, it was passionate, it was longing,” she said.

At ang pangangantiyaw pa ni Alice, isa pang dapat abangan ay ang ganda ng katawan ni Aga noong time na sinu-shoot nila ‘yun. Fit na fit daw talaga ang aktor that time.

Natawa si Aga and said, “bakit, maayos pa naman ako, ah.”

Honestly, medyo tumaba na naman kasi si Aga ngayon. “Sa totoo lang, noong ginawa ko ‘tong pelikulang ‘to, ang ganda-ganda ng katawan ko. Kaya lang, nakakalungkot lang, kung kailan gumanda ang katawan ko, naka-jacket naman ako parati dito sa pelikula,” natatawa niyang sabi.

Sobrang lamig daw kasi talaga sa Greenland na talagang hindi nila kinakaya ang outdoor scenes. Torture raw ang scene na nag-snow tapos biglang umulan, eh ang haba pa naman ng eksena.

“Pero tiniis namin,” kwento ni Direk Veronica Velasco, “sina Aga, every cut, takbo na sa loob kasi unbearable (ang lamig).”

May time pa raw na kinailangan nilang huminto sa pagsu-shooting dahil pati ang mga crew ay hindi na kaya ang lamig.

Pero sabi ni Aga, mahirap but it’s all worth it at mararamdaman daw naman ito pag napanood ang buong pelikula.

Showing na sa Nov. 6 ang Nuuk mula sa Viva Films.

Alden magpapasaya sa City of Smiles!

Pangungunahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang Masskara Festival celebration ng GMA Regional TV ngayong Friday, October 18 sa Bacolod City, Negros Occidental.

The The Gift lead actor is eager to once again personally meet and bond with his fans in a Kapuso Mall Show at Robinsons Place Bacolod at 6 p.m.

Bukod kay Alden, lilipad din sa City of Smiles ang mga kasama niya sa The Gift na sina Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales and Rochelle Pangilinan. They are all set to perform and play exciting games with the Kapusong Negrense.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with