Julia frozen ang career?!

Napansin ng isang kaibigan ang pagsosolo ni Joshua Garcia sa TV commercial ng isang giant food chain. Dati kasi, magkasama sina Joshua at Julia Barretto bilang endorsers ng food chain.

Siyempre, kung nawala man si Julia sa commercial, isinisisi ang pagkasangkot niya sa Bea Alonzo-Gerald Anderson controversy na ang halos buwan din ang inabot bago mag-die down, huh!

Ngayon, wala ka­ming naririnig na project ni Julia. Si Joshua, may regular series na habang si Bea eh may pelikulang ginagawa with John Lloyd Cruz.

Si Gerald? Busy siya sa pagba-basketball sa MPBL, huh! Pero pasok pa rin siya sa mga TVC, huh!

Parang unfair naman kay Julia na parang naging biktima sa resulta ng kontrobersiya.

Bianca at Ruru pinagbawalang ilantad ang relasyon!

Pinagsabihan ba ng GMA Artist Center sina Bianca Umali at Ruru Madrid na huwag maging lantad sa kanilang umano’y relasyon?

Eh sa blind item kasi ni Arnold Clavio nitong nakaraang mga araw, agad naming nahulaan na sila ang tinutukoy niyang young lovers na binawalan ng management nila.

Una, hindi makapagsabi si Igan ng letra sa pangalan ng young actor dahil apat na letra lang ang name ni Ruru. So giveaway kung sasabihin niya ang either letter R or U, huh!

Next, wala mang clue na letter sa apelyido, sinabi naman niyang masarap itong puntahan, Madrid ‘yon na surname ni Ruru at saka nagsalita ng Espanyol ang DZBB host.

Finally, ‘yung comment ni Ruru sa Instagram pic ni Bianca in swimsuit na, “Stop.” Nasulat namin ‘yon bilang komento ng Kapuso hottie.

May Miguel Tanfelix na ka-loveteam si Bianca so hindi masisisi ang network  kung protektahan ang kanilang interest sa loveteam nina Bianca at Miguel!

Payo ni Arnold sa celebs sa blind item niya, “Career muna ang unahin!”

Insider si Arnold sa GMA kaya credible ang report niya kahit walang kumpirmas­yon ang mga stars o management nila sa report!

Show comments